?
Edd-august 8 Lumabas sya aug.3 Mga mommies pa advice naman po anong dapat kung gawin ung baby ko po kasi naninilaw wala pang 24hours. Chineck po sya lahapon ng pedia advice nya pag d daw natanggal 2 to 3days pwde na kaming ma confine kasi daw po delikado daw po itong paninilaw nya..natatakot at naaawa na ko para sa baby ko😭 malakas naman sya dumide
Awww.... Chineck po ba ang serum bilirubin levels ni baby? Baka kasisobrang taas at need ibili light. Marami po kasi causes pwedeng physiologic which is normal and common for newborns or pathologic. Minsan din pag magkaiba ang blood type ng mommy at baby etc. Since pinauwi kayo ni pedia, Paarawan nyo po si baby between 6am-8am for 30 mins everyday. Then breast feed nyo lang po sya ng ifeed para maiihi nya at tae yung bilirubin. Observe mo Lagi mamsh kung mas tumingkad yung dilaw, kung humina magdede at may iba pang sintomas pag ganun balik mo na agad sa pedia. Pagaling ka na baby ang cute mo pa naman 😍
Đọc thêmPaarawan mo lang momshie. Jaundice tawag sa ganyan, ung eldest ko nagka ganyan before. Pinaarawan lang namin everyday. Nag panic mode pa nga noon parents ko, kaya dinala sa hospital. Pina check lang blood type ko nun kung match kami ni eldest and match naman. Almost 1 month siyang naninilaw pero later on naman nung consistent na sa pagpapaaraw naging okay nadin naman 😊 sundin mo nalang momshie ung advice ni OB if ever after 2-3 days naninilaw padin siya. So for now paarawan mo muna siya tuwing umaga. Normal kasi ang paninilaw lalo sa newborns.
Đọc thêmBaby ko rin ganyan gawa ng nag overdue sya sa tyan tas nakakain pa ng poop nya. Ecs ako nun 3 days kami nasa hosp, wala pang 24 hours naninilaw na siya kay inilagay sya sa parang box na maraming ilaw, parang incubator..tapos may tinuturok sa kanyang medicines, kala ko nga di ko siya makakasama sa pag uwi. pero thank God kasama ko sya ma discharge. Advice lang ng doctor nya ibibilad sya araw kahit 15 mins na Hindi pa mag 9am for two weeks, na wala munang damit.. Ngayon okay naman siya di na naninilaw.
Đọc thêmDepende po kasi mami un sa case kung di po ordinaryo ang paninilaw may mga lab test po kasi na gingawa. Minsan po di kaya na basta araw lang need ng ilaw or phototheraphy kung tawagin sa ospital. May gamot din po na binibigay kaya inaadvise minsan na ipa confine kasi baka po pag di naagapan pwde un paninilaw umakyat sa utak at mag convulsion po ang baby. Wag po basta maniwala kasi di po pareparehas ang baby at case.
Đọc thêmsame sa baby ko mamsh. Jaundice ang tawag dyan. while nakaconfine kami sa hodpital pina Phototheraphy sya para matanggal paninilaw nya. pwede din naman paarawan yan twing umaga tnatatanggal yan. 🤗
Breastfeed po Mumsh and paaraw na diaper lang ang suot. 'Yong baby ko po nag under ng Bill Lights or Phototherapy for 24 hrs sa hospital kasi di masyadong maaraw at maulan nong nanganak ako.
Paarawan mo lang sis..sa pamangkin ko nun sabi ni pedia nya paarawan, saka wag pakainin ng mga madidilaw.. c Lo ko parang nanilaw rin pero pinapaarawan ko lang dn tlg.. pray kalang sis
Ganyan din baby ko dati naninilaw din,.paarawan mo lng po every morning at sabay mo Po painum tiki tiki,mawawala din Po Yan,.Ang cute ni baby God bless you baby..😊
Breastfeed and morning sunlight, mommy. Pero pag napansin mo na lumalaki pati tummy niya or di siya nagfeefeed and puro tulog then go to your pedia/hospital asap.
Try mo po paarawan mommy... maaga plang po para maabsorb niya po yung vit. Na nagmumula sa araw. Congrats mommy😍 ingat kayo plagi ni baby mo.
Got a bun in the oven