Nakiki sulok
a day with all of you mommies. hindi ko alam kung good ba ngayong araw na ito. alam ko bilang ampon at nabuntis ng maaga wala pa kaming kakayahan sa buhay. kaya naman nakikitira kami sa bahay kung saan ako nakatira noon. sobrang sakit na sa bawat araw maraming nasasabi sakin ang mga anak na tinuturing kong ina. alam kong kasalanan ko ito pero nasasaktan ako sa tuwing sinasabihan kami ng ate ko na wala daw kaming na itutulong o ginagawa sa bahay nila mama. sa totoo lang lahat ng pang ulam dito sa bahay ay sa pera namin hinuhugot. gumagawa din ako sa bahay kapag tulog ang baby ko. pero parang hindi ito nakikita ng mga kapatid ko. sa tuwing sinasabihan nila kami na pasakit, bweset, mga palamunin, baboy at biik. ang sakit po. tinatanong ko tuloy sa sarili ko "ganito ba talaga pag nakagawa ng pagkakamali? habang buhay sayong isasampal? habang buhay kang kahihiyan? hindi naba kami tao? kabilang nadin ba kami ng anak ko sa hayop? wal naba kaming karapatan umiyak at masaktan? lahat mg tao na nakapaligid samin diko alam kung totoo ang ipinapakita." gusto ko ng umalis. masama ba na mag damdam kapag nakagawa ka ng kasalanan? yung sa tuwing may sasabihin sila sayo wala kang karapatan sumagot.