biyenan
close nyo ba biyenan nyo
hindi gaanu 🤣 first time palang nung nagsama kami ng asawa ko ,halos buong family member ng asawa ko bukambibig ex ng asawa ko ,kahit nasa harapan na nila ako puro papuri ang sinasabi nila sakin about sa ex ng asawa ko na kesyo mabait daw yun at teacher na daw yun ngayon ,na kesyo magaling daw mag drawing 😅 in my case parang nanliit ako sa sarili ko kasi parang kinukumpara nila ako dun at parang nanliit ako sa sarili ko dahil dun .yung tipong parang feeling ko mas gusto nila yun .inshort hindi sila maka move on dun 🤣 parang pinapamukha kasi nila sakin na walang wala ko dun 🤣 pero sa ngayon medyo ok na yung pakikitungo nila sakin ,umabot lang ng 5 years yung pagsasama namin ng live in partner ko tsaka palang sila naging ok sakin 🤣 pero yung mga unang taon sobrang hirap kasi kahit minsan nasasaktan nako sa mga sinasabi nila sakin ,sa mga pag bukambibig nila sa ex ng asawa ko kahit nasa harapan ako .tinitiis ko lang 🤣 pero ngayon tumigil na sila sa pagbanggit sa ex ng asawa ko .nakaramdam na ata 🤣🤣 kaya sa lahat ng mommies na close ang biyenan nila isang malaking SANA ALL 🤣🤣 PS : share ko lang pero ngayon ok na silang lahat sakin
Đọc thêmGusto ko lang po ishare. Yung beyanan ko mabait Naman sya minsan, inaalok pa nya ako Ng pagkain tapus di Naman nya ako inutusan siguro mabait lang sya sakin dahil sa ulila na ako sa mga nagulang. pero ramdam ko Naman na parang ayaw nya saakin or napilitan lng dahil may anak kami Ng anak nya. Minsan nga pag nagaaway kami Ng anak nya Hindi Naman sya nangingialam pero Alam ko na mas kampi sya sa anak nya ramdam ko Yun Kasi kinabukasan pumupunta pa sya sa kapit bahay para lang ipag chismisan ako na ganto ganyan. Sinabihan pa nga ako Ng beyanan ko na baka Naman daw gusto Kona lumayas Kung lalayas daw ako iwan ko daw Ang anak namin pero Mali Naman Yun 4mos pa lang Yung bata ako Ang mas may karapatan sa bata dahil ako Ang ina Wala pa sa tamang edad Ang bata kaya ako ay nananahinik nalang
Đọc thêmNo, ewan ko ba kung bakit ayaw nila sakin. Minsan aalis sila kasama anak namin ako lang mag isa maiiwan sa bahay. o kaya pag susunduin yung baby ko, sa labas lang ako ng gate nag aantay. simula nung nalaman nilang buntis ako ayaw na nila ako makita. ngayon 10monts na baby namin, etchipwera parin ako. lalo tuwing may lakad sila. maski pag may okasyon o pasko hindi ako pwedeng tumapak sa kanila. sobrang sakit lang. swerte nya kase sobrang open ng family ko, tanggap sya na parang anak at kapatid ang turing sa kanya ng pamilya ko pero tae ako sa pamilya nya.
Đọc thêmNo.. 20 pa kasi nung naging tatay anak nila.. Minsan narinig ko sila nag uusap together with other family members.. I heard this "okey na yung di sila magpapakasal kasi maghihiwalay rin naman yan , gastos lang ang kasal"...for me it sounds na di nila ako tanggap or di nila matanggap ang nangyari sa anak nila... Ngayun 25 na yung partner ko ,ako na yung may ayaw na makasal kami .. Tsaka na siguro if parents na niya ang magsabi na magpakasal na kami... Para naman masabi kong tanggap na nila ako at ang anak ko...
Đọc thêmsobra namn yun sis
Nung una yes.. Pero nung ngkasama n kmi. Minsan mgkasundo minsan hindi. Nkadepende kc s araw ung biyenan q.. 🤣🤣🤣Kya ngbukod kmi kht na-lockdown lang kmi dto.. 🤣 parang ayaw nia na inaaway ko anak nila kc di daw nla yan napalo nung bata pa.. Prang ayaw i let go anak nila kht kasal n kmi . 😆😆😆 sa totoo lang ganun sya s lahat ng anak nia .. Inaasikaso pa niya kht ang ttanda na... Kya pa ung mga anak nila mama dto mama doon.. 🤣🤣🤣
Đọc thêmOkay naman kame pero parang hindi ganon kaclose like parang hindi anak turing sakin especially the mother parang borders lang ako sa bahay nila. And pag dating sa madaming bagay kelangan mo pang ispoon feeding like changing fb pass or sending something on gcash haha understandable sana kung super tanda na walang problema ispoon fed. But so far teachable naman kelangan mo nga lang ulit ulitin. 😅 Mabait naman siya and caring sa mga anak
Đọc thêmNo, ang plastic kaya ng byenan ko pag nakatalikod ako dami sinasabi di sabihin pag nakaharap ako, lagi anak ko nagsasabi ng mga pinagsasabi nya tungkol sa akin. Matuos sa lahat ng mga bagay. Since nanganak ako may mga gawaing bahay ako na di ko na magawa dahil kay lo ayun putak ng putak dahil siya gumagawa, ayaw ko naman pagkatiwala si lo sa kanya dahil mahina mga tuhod baka madapa pa pagbuhat.
Đọc thêmmapalad ako sa magulang ng partner ko at ganun din yung partner ko sa magulang ko.kapag may tampuhan kami ng partner ko yung magulang ko sya ang kinakampihan kasi ayaw nila isipin na pinagtutulungan dito sa lugar namin yung partner ko.nakabukod naman kami ng bahay.parang sya pa nga yung anak.😂.wala din naman akong masabi sa byenan ko.ramdam ko na mahal na mahal nila ako.
Đọc thêmOo, mabait sila. Dito ako sakanila nakatira mula nung nalaman nila na sensitive pagbubuntis ko di na nila ako pinagtrabaho. Makakaraos naman daw kami at wala akong ginagawa sa bahay. Yun lang madalas napagsasabihan pag nagpupuyat hehe. Minsan kasi bigla ako magigising ng 2am magsusuka tapos di na makatulog.
Đọc thêmmedyo close ko sis 😅 wla nmn kc ako prob sa knya kc mabait nmn lagi dn nag ttanong kung okay kmi nng bby ko Na excited na nila makita pero dko pa kc sya Nkksma nng matgal kaya dko pa tlga sure kung ganun nga ugali nya
mother and wife