Biyenan
Close ba kayo ng biyenan mo o hindi. Sa palagay bakit?
NOPE. nakangiti siya pag nakaharap ako pero pagtalikod andami niya sinasabi (nababasa ko ang mga text/chat niya sa asawa ko) pati family ko dinadamay niya. kahit anong buti ang ipakita sknya, balewala sknya un. kahit magulang ko nga sinasamahan siya sa pagpapagamot niya (dahil di siya inaasikaso ng mga anak niya. husband ko naman OFW) ayun, madami pa din siyang hanash sa buhay. btw, sa broken family lumaki ang husband ko. FIL ko OFW, pinalayas si MIL ko (kasi nahuli may iba). kaya lumaki sila on their own. d ko din masisisi kung bakit hndi siya close sa mama niya. lagi sinasabi ng husband ko na sa amin lang niya naramdaman na magkaron ng isang family. (we've been together for 8 years) d ko alam kung inggit ba or selos kaya kahit anong buti ang ipakita e madami siyang issue sa akin at sa family ko. sinasabihan ko naman asawa ko na puntahan/bisitahin ang mama niya pero siya ang may ayaw. (lagi daw kasi problema at daing ang naririnig niya) FIL ko naman, dko din close. pero in good terms kami. di tulad ng MIL ko na madaming hanash sa buhay.
Đọc thêmHindi.. pero sama ng loob meron..pero konti nlng..ok naman kasi kami dati.. unang taon nakatira kami sa kanila.. kaso nung tumagal.. nakikialam na saming mag asawa.. sasabayan pa ng tsimosang hipag.. kaya nagka samaan ng loob.. mabuti nlng dahil sa nangyari napilit ko bumukod si mister.. nung sa kanila pa kasi kami nakatira..naku napaka tamad ni mister..ni hindi ko manalang mautusan or mapagsabihan kasi lagi nakabantay nanay nya..
Đọc thêmclose po hehe. sila pa naginitiate na tawagin ko silang mama/papa kahit na hindi pa kami married ni LIP. grabe kilig ko non HAHAHA. lalo na nung buntis pa ako sa first apo nila and nung ipinanganak na, alagang alaga ako. maski bayarin sa hospi, sila na nag asikaso kahit walang wala kami pare pareho 😭❤
Đọc thêmOo. Mapalad Ako kc nakakuha Ako ng parang Mama ko din.. Nanay Ang tawag ko sa knya. Subrang bait nya sa akin.. napaka alaga at kahit Hindi kami humihingi ng tulong mag-asawa kapag alam niyang Wala kami kusa syang nag aabot. May pinagmanahan Ang Mr. ko.. I am blessed to have a peaceful and loving family like the true Essence of God's Kingdom.
Đọc thêmclose kami , kahit hindi pa kami masyadong nag sasama ng matagal 😊 pero ramdam mo na may care siya sakin at sa apo niya ❤ tapos lagi niya akong kinamamusta lalo na si baby 😊 pinapauwi na nga ako sa kanila e 😅 gusto na niya ako mag stay dun , dati pa nung wala pa kaming anak nung anak niya 😅 ahahhaha
Đọc thêmNo po. Wala eh plastik. Akala ko nung una tanggap ako, ambait pa ng pakikitubgo tas nung nabuntis ako grabe yung mga pinagsasabe. Tas dun ko nalaman na ayaw nya pala saken at marami pa daw babaeng dadaan dapat sa anak nya. 🤣🤣🤣
medyo close po pero normal po ba yung pag may hatian ng bayad sa bahay lagi po sa asawa ko kahit yung ibang anak niya may business tas nakatira din po sakanila? tas lagi po sermon sa asawa ko gustong gusto ko na nga po bumukod eh kaso inuna namin para sa panganganak
hindi ko parin alam khit 11yrs nakong kinakasama ng anak nya . cguro hindi ramdam na ramdam ko ayaw nila maikasal kami kulang nlng sbhn saakin na kalimutan ko nalang un . kaya hinahayaan ko nlng wag nalang sana dmating ung panahon na hay nako la nako masabi
medyo lang hindi ganun ka close kasi my time na nakita ko sa CP niya Na nagkakachat parin sila ng Ex ng Asawa ko minsan Video Call kaya naging malayo ang loob ko sa kanila Pero hindi naman kami ganun ka layo ang loob .
super close. pag wala asawa ko biyenan ko nag aalaga saken. sya bumibili minsan ng gatas at mga prutas ko. mas excited pa sya dumating baby nmin kesa samin. first time nya kasi magkakaapo. Thanks God. sobrang swerte ko. 💚
Hot Mommy