Mga mi isa din ba kayo sa pasaway sa pag inom ng gamot nung nagbubuntis?
Ask kolang po kung kamusta si baby kung naging sakitin or kalabas may sakit si baby? Ayoko po kasing nakakaramdam ng pagsusuka pag umiinom ako ng gamot halos di napo ako makakain ng maayos dahil sa mga vitamins lalo napo folic tsaka ferrous
Mii. Nasa isip nyo lang po yan na kapag umiinom kayo ng gamot, ayaw nyo na po kumain. Isipin nyo nalang po na simpleng bagay lang po yan na magagawa nyo po para healthy yung baby nyo. Ako mii, hate ko talaga ng anything to be taken orally, gamot, vitamins, lalo na milk pero linunok ko lahat para healthy si baby, kase nag ggrow sila based sa kung ano ang naibibigay na nutrients ng bodies natin po. So miii, promise onting tiis lang po. Isipin nyo lang po na kaya nyo and para sa anak nyo yan. Mindset lang talaga yan mii. Proven and tested ko po.
Đọc thêmFerrous pwede itake 30mins bago mag breakfast.. yung multivitamins sa gabi bago matulog para hindi masuka. diskartehan mo mi kung kelan mo maiinom ng di maapektuhan ang pagsusuka mo.. once a day lang naman halos ang bawat isang gamot e .. anytime of the day pwede mo yan inumin basta makainom ka everyday. if severe nausea and vomitting.. inform your OB asap baka may hyperemesis gravidarum ka at kelangan din ng treatment para doon.
Đọc thêmganyan din po ako nung buntis yung mga binibigay po sa center hindi ko mainom dahil malasa pero pag sa mercury ka bumili maliit lang yung gamot pati walang lasa ang nirereseta sakit ng ob ko obimin plus hemarate FA calciumade PS always remember na importante ang ferous dahil minsan pag kulang ka sa mga vitamins nayan diyan nagkakaroon ng birth defects ang baby like cleft palate/lip anancephali
Đọc thêmSinabi ko sa ob ko tapos pinatigil nya saakin yung mga iniinum ko kasi nagbawas akong timbang di na makakain pagka 3 months ko niresetahan nya na akong bagong mga vitamins tapos folic kaya ko na silang inumin kasi nabawasan na yung pagsusuka ko. Ginagawa ko hinahaluan ko ng c2 yung tubig ko pagnasusuka naman ulit nagbbuble gum ako yung sugar free
Đọc thêminiinom ko dati mi folate bago magbuntis hanggang sa nanganak na ako. minsan vit C. yung mga prescribe sakin nun eh hindi ko din lagi iniinom. ferrous, calcium, etc every other day ko lang iniinom. yung ferrous kasi malala yung constipation ko nakakatibi din kasi yun. at yung ibang gamot naman nahihilo ako.
Đọc thêmMind over matter. Think of it na, kailangan ng baby mo kaya need mong tiisin at controlin ang isipan mo. Instead of thinking, nakakasuka or masusuka ako. Labanan mo yung thoughts mo in a positive way, like "nakakasuka pero dahil para samin naman ito ng anak ko, kakayanin ko"
Đọc thêmTiis mi, need kasi ni baby. at first di ko din masyado iniinom yung mga vitamins. pero mga nababasa kasi ako na its for development ni baby at need din talaga, kaya kahit nakakasuka iniinom ko. Evening ko iniinom para di masyadong nakakasuka and makakakain ako for the whole day.
tyagaan lang mi. ferrous pwede kahit walang meal para sa better absorption. un multivitamins before bedtime para di ramdam side effects. isipin mo na lang na mau reward ka makukuha after nyan para sa inyo din yan ni baby. eat healthy. less stress and rest well.
Đọc thêmfolic acid ay napakalai ng rule nyan sa pagbubuntis lalo sa first trimester iwas komplikasyon sa bata kaya yung ibang babies di na form mga kamay or paa or kaya bingot or any birth defects kaya nasa sayo din yan mhie si baby din kawawa pag labas
sakin mi, ferrous sulfate lang ininom ko nung buntis aq,maliban nlng ung antibiotics na reseta ng doctor dhl sa uti. pero healthy po si baby q ngayon at masiglang masigla, 6 months na po siya. wala po aqng ibang ininom na vitamins o ano pa