MOM OF TWINS
Ask ko lang po sino po ba ang panganay sa kambal?? Yung unang lumabas o pngalawa
sabi nila yung 2nd na lumabas daw. kase ayun ang unang nabuo. Pero ang nilalagay nila sa BC in order kung sino ang una talaga siya ang first at kinoconsider na panganay.
Yung una mommy kasi mas una syang naipanganak kaya sa BC mas matanda sya ng ilang minutes kesa sa twin nya. haha! sabi naman ng iba kung sino daw nahuli sya ang una.
Naguguluhan dn ako jan. Me kilala ko kambal, siya daw panganay kc siya huling lumabas, bat kako? ee kc daw nagparaya siya, haha. ewan. di ko gets 🤦♀️😂
ang sabi nila ung unang lumabas pero may iba rin nagsasabi ung huling lumabas kasi means na nasa pinaka loob sya, sya rin daw ung mas unang nabuo. hahahaha
Ang sabi yung pangalawa kasi nag paraya para sa kapatid .. kaso sa kaso ng asawa ko at sa bayaw ko asawa ko yung kuya kasi sya unang lumabas 😂
Kung sino pong naunang lumabas mommy.. Since mas matanda siya ng ilang minutes pag nagdeclare yung doctor ng baby out😊
YUNG HULINH LUMABAS PO ANG PANGANAY.. AKO MISMO MAY KAMBAL PO.. AKO HULING LUMABAS AKO ANG PANGANAY
May mga kilala po akong kambal momsh, ang nauna po yung panganay
Genesis 25:19-34 based po doon ang unang lumabas ang panganay
mas malaki kasi ung pngalawang nilabas sa kambal ko eh
Momsy of 5 Kids