paano pag walang dibdib ang babae
Ask ko lang po pano po pag sobrang liit lang po ng dibdib ng babae pano po makakakuha ng gatas si baby sakin paglabas.. Gusto ko po kasi mafeel yung feeling na sayo sususo yung bata.. Ano po bang magandang recommend sakin?
Wala po sa size yan mommy.. Like you worried din ako dati sa 1st born ko kala ko wala madedede sakin pero paglabas nya ayun dumami gatas ko mejo lumaki din puro gatas lang laman.. Mapalad na rin siguro dn ako kaso kahit maliit malaki naman nipple ko kaya swak na swak sa mouth ni baby.. Kaya ayun parang buddha lo ko non sa.dami ng gatas ko. 1 annd 1/2 years ako pure breastfeed kasi nagwork nako.. After non unti unti bumabalik sa dati.dibdib ko sayang hehehehe...
Đọc thêmWala daw po yan sa laki o liit ng dibdib, and eventually lalaki din po yan breast mo lalo pag nkpanganak na.. Maliit din po breast ko pero malakas ang gatas ko noon sa panganay ko at lumaki tlga breast ko to the point na di na proportion kc sobrang payat ko noon 😂
Ako flat chested ako nung first baby ko, nung nagpadede ako lumaki yung boobs ko dahil sa gatas, yun nga lang nung nag stop na ako magpadede balik sa dati yung size nya😂 kaya wala sa size yun kasi lahat naman ng magiging mommy na e nagkakagatas talaga
Wala naman yan sis sa cup size ng suso. Magbasa po kayo ng mga breastfeeding articles para maa may knowledge :) basta po ang basic is pa-latch lang si baby ng bongga, kesehodang manakit yan at first lalabas at lalabas yan :)
Wala po sa size yan momsh. Think positive ka lang palagi at maniwala sa katawan mo. Super mama ka. May possibility na merong humusga sayo pero echapwera mo lang. Good luck! At goodluck din sa bites :( 😳
Wala naman po sa size yan. Meron nga malaki dibdib pero konti lang naproproduce meron naman maliit pero marami. Kain lang po ng healthy at more on sabaw at water. Try milo with oatmeal din po.
Consult nyo po sa ob if pwde na kau mag take ng moringa. May gatas po yan kahit maliit. Pa latch nyo lang si baby pag labas.. Kasi ung supply ng milk mo mag dedepend sa demand ng baby mo.
My sister's size is 32A pero nakapagpa breastfeed sya ng dalawang healthy baby boy 😊 so, size doesn't matter when it comes to breastfeeding..
Ganyan din iniisip ko nung nalaman ko preggy ako... after ko manganak lumake nmn dahil sa gatas nakaka pag breastfeed na ko kay baby ko...
34A lang po cup size ko but andami ko pong breastmilk. Turning 2yrs. old na po yung baby ko this january and pure breastfeed pa din siya.