UTI

Ano po kayang iba pang dapat gawin bukod sa uminom palagi/marami ng tubig at ng buko para mawala ang UTI. May nireseta po ob ko, pero ayaw po kasi ng partner ko na inumin ko yun, kasi baka raw po makasama sa baby pag uminom ng ibang gamot. I’m 27weeks preggy po. Saka ano po kayang mgging epekto kay baby. TIA.

28 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

bukod sa gamot buko juice at craberry juice more water para po mabilis mawala ang uti at delikado kung hindi iinumin yung gamot binigay sa inyo ng ob at para din sa baby nyo rin po

You need to drink the meds. Di yan mwwala sa tubig o buko lang kung malala infection. Pwedeng mahawa si baby pag di yan nagamot or worse makunan ka. Sbihin mo yan sa asawa mo.

SALAMAT PO SA INYONG LAHAT. IINOM NA PO AKO HEHE ANYTIME PO BA SYA (AFTER MEAL) PWEDENG INUMIN? NAKALIMUTAN Q NA PO KASI SBE NG OB HEHE TIA

6y trước

iwas lang din po kayo sa softdrinks, kape at junkfoods nakaka contribute sa uti

Thành viên VIP

if reseta po ng OB safe po yan magtiwala po kau s knya. mas mahirap po pg ndi nyo nagamot ung UTI nya at umakyat kay baby ung infection

kung reseta po ni OB dapat tinetake natin para na rin po maaga pa lang ma prevent na yung mga infections na pwede makuha ni baby.

Thành viên VIP

Bukod sa water and buko, yung reseta ng OB na gamot iniinom ko. Bat naman mag rereseta ng ikakasama sa bata yung OB? Diba po?

kung prescribed need mo magtiwala at mag research narin for more info narin sa google mas delikado kung mahawaan pa c baby

hindi nmn ibibigay ng ob kung makakasama sa baby , kaya inumin mo na at baby mo rin maapektuhan pag hindi gumaling uti mo

Thành viên VIP

nagka uti din ako. inumin mo lng ung nerisita na antibiotic ng OB mo. baka kase lumala pa yan kung d ka nag take ng med

Hindi naman po magbibigay ng gamot yung OB kapag nakakasama kay baby. 😊 Been there po. 😊