28 Các câu trả lời

momshie inumin nyo po antibiotics na nireseta sa inyo. trust your ob. i gave birth a few days ago. until now d namin mailabas si baby kc nagka infection xa sa blood. according sa pedia nya and sa doctor ko, one of the reasons daw is may history ako ng UTI. dun ko lang na realize kung gaano kaseryoso at kadelikado yung magka UTI while pregnant. kawawa si baby😢 2 antibiotics tinuturok sa knya every day. napaka mahal din ng treatment. at shortest period is 1 week na gamutan. depende pa if tumatalab sa knya yung naunang antibiotics.

follow your ob momshie..pinag aralan nila yan and mdaming antibiotics ang safe sa buntis

bukod po sa pag inom ng tubig at buko ang isang way lang para mawala ang uti is iinom talga ng antibiotic. if hndi ka po iinom nyan maipapasa mo pa sa baby mo ang infection at mas lalong hndi matutuwa ang tatay ng anak mo kung pag lalabas sya naka antibiotic agad baby nyo...so better po ngaun plng inom ka na...hndi po masama ang antibiotic sa buntis lalo na may pahintulot naman ng doctor. hndi po makakasama kay baby yun....makakabuti pa nga po sainyo dalawa yun

sis inumin mo yung binigay sayo kasi hindi naman mag rereseta ng OB na makakasama sa baby, ako nag ka UTI lumala na confine pa ako for 7 days sa IV na pinadaan yung antibiotics ko ayoko din ma experience ng iba yung nangyari sa akin. Thanks God okay naman kami ni baby kaya para hindi na lumala yan sis inumin mo at always pray lang lagi tayo kay Lord kasi bumababa ang immune system natin kapag buntis kaya prone tayo na magkasakit 🙏

Hindi naman po magrereseta ng gamot ang ob mo ng unsafe sa baby.. better yet sundin mo n lang po ang sabi nya kasi baka lumala pa ang uti mo.. ako nagka uti din, twice ako nagpa urinalysis pero halos di nagbabago ang result, binigyan ako antibiotic ung Cefuroxime then nagpa urine culture and sensitivity ako para malaman kung anong bacteria sya and maibigay ung tamang antibiotic ngayon ok na..

Same case here. pro ako i believe di mgrereseta si ob kung makakasama sa baby. whats the use mgpacheck up mgkaron ng findings if hndi susundin ang instruction ng doctor esp kng may medication. hindi sya mddaan sa water or buko juice lang need ng gmot. antibiotics normally for a week lng naman. your ob knows best. wag irisk ang baby s sriling desisyon lang. just saying

ako dn my u. t. I 2times ako ng palaboratory 20-25 mataas PUS CELLS KO niresitahan dn ako ng antibiotic kaso ayaw dn ng partner ko kaya ng more Water ako buko.. iwas sa maaalat.. softdrinks.. actually kanina pangatlong laboratory ko good to hear nmn 4-6 bumaba na sya!! resulta dw ng u. t. I sa baby pwede dw maging abnormal ung baby un ung sabi ng ob ko

VIP Member

If reseta po ni OB, better na itake niyo nalang po yan. Mas mahirap po kasi pag hindi nawala un UTI tulad nun sakin na nagcause po ngpreterm labor ko nun 30 weeks ako. Kusang nagoopen un cervix ko dahil daw po sa bacteria na din sa urine ko po.

Pag malala na ung UTI mo mumsh itake mo na siya. Trust your doctor po if you want second opinion po kayo. Ung UTI ko kasi di po kasi masyadong malala kaya po pinagtubig lang po ako ni ob ko kasi konting pus lang naman ung nakita sa ihi ko.

mommy pag hindi ka uminon ng ang anti biotics para sa uti mo sa bata yan mapupunta mommy kasi bacteria yan sa luob baka may deperensya sya paglabas mommy yung prescribe ng ob hindi yan nakakasama sa atin alam nila yun.

may UTI den ako. dalawang beses akong na.hospital kasi matindi ang contractions. antibiotic then binigay sa akin. tiwala lng ako sa OB ko, hindi nmn cguro ibibigay ng OB mo kung delikado..

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan