Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Architect | Hiker | Beach lover | Mommy
Similac One
Hello. I'm selling my Similic One for P900.00. Nabawasan lang namin ng konti. Nag allergy kasi si baby ko sa cow's milk kaya nagpalit kami ng gatas. Sayang naman 'to kasi wala ng gagamit. Preferrably Dasma, Manggahan or Trece area po for meet up. Thank you so much.
SIMILAC FOR SALE
Hi mga mommies. Binebenta ko yung Similac na formula milk. Nag allergy kasi yuny baby ko sa Similac kaya pinalitan ng pedia yung resetang gatas. Nagkulang kasi yung stash ng bm ko kaya napilitan magformula. 5 scoops lang po ung nabawas. Kakabili lang po namin kahapon. P1,300 po namin nabili. 1k nalang po. Preferred po sana Cavite Area. Thank you.
#BiggestBabySaleEver
Sobrang sulit po ng Grand Baby Fair ng Baby Company sa may SMX Convention Center po. Yung mga di pa po nakakabili pwede pa po until Sunday. Free entrance lang naman eh. Naghoard na ako ng madaming cotton balls at Cycles Laundry detergent. ? Pag naka worth 6k kayo, may Swag Bag pa kayo na madaming freebies.
Father's name
Kung hindi naman po gagamitin un surname ng father sa birth cert po ni baby, need pa din po bang ilagay un name ng father or kahit leave blank nalang po? Thanks sa sasagot.
EML
May nakakuha na po ba ng Maternity Benefits po for 105 days? Ask ko lang po kung magkano. Yung computation po kasi ng company ko po same pa din sa dati tas naka times lang sa 105.
Solo Parent ID
Hello po. May nakakuha na po ba ng Solo Parent ID dito? Ano pong requirements ang hinihingi po ng munisipyo? Thanks po.
Cavite Area
Hello po. Baka po may gustong bumili nun Duvadilan ko po. Yung malapit sa Trece or Gentri po. May 20pcs pa po kasi ako. Sayang naman po kasi di ko na naubos kasi napaaga po un panganganak ko po. P23.00 po bili ko isa. Kahit P15.00 nalang po isa para lang di po masayang po. Salamat.
36 weeks and 3 days.
Share ko lang un experience ko since nakauwi na ako ng bahay at medyo humupa na un mga sakit ng konti. Nun 30 weeks ako, naconfine na ako dahil nagpreterm labor ako kaya ginawa ng ob ko lahat para pigilan lumabas ng premature si baby. At my 32nd week, 2cm na ako. Pagdating ng 34 weeks, 4cm dilated na un cervix ko. Ikoconfine sana ulit ako kasi malaki na un 4cm pero nagdecide ob ko na konting pigil pa at sobrang bed rest pa sa bahay. Last Sunday, pang 36 weeks at 3 days ko nun nagstart sumakit un tyan ko ng tanghali. Akala ko minor cramps lang kaya nakahiga lang ako, pagdating ng gabi napapasigaw na ako sa unan kasi sobrang sakit na ng puson ko kaya nagdecide na din ako magpunta ng ER. Pag ie sakin, 8cm na pala ako. Binigyan ako ng pampahilab tas tinawagan na nila un OB ko. 2 hrs nalang sana un hihintayin para mag fully dilated un cervix ko ng 10cm ng biglang bumabagsak un heartbeat ng baby ko kada nagkocontract ako. Hindi niya kinakaya sa loob kaya na emergency cs na ako. Dinala ako sa operating room kasi kailangan malabas agad si baby within 3hrs kasi possible na mag 50-50 kami pareho ni baby kasi humiwalay na din un placenta niya. Sobrang bilis ng nangyari. Wala pa atang 15mins nun narinig ko un iyak ni baby ko habang manhid na manhid un lower part ng katawan ko. Sobrang sarap sa pakiramdam marinig un iyak ni baby. 36 weeks and 3 days. Kulang pa ng ilang araw para mag full term ng 37 weeks si baby pero palaban un baby ko. Pagbalik sakin sa room, saglit lang binigay na din siya sakin at di na siya nagstay sa nursery. Ang daming pain pagtapos ma CS pero worth it naman lahat un pag nakikita mo un baby mo. Kaya congrats sa lahat ng mga mommies at goodluck sa mga fitire mommies. ?
Vote Wisely ?
Let's exercise our right to vote mga mommy. May priority lane naman tayo. Let's elect the officials we deserve. Para sa future ng mga babies natin. :)
4 cm at 34 weeks
Parang excited na excited na po talaga un baby ko lumabas at makita ako. Nagpreterm labor na ako nun 30 weeks ako at naadmit na sa hospital. Thankfully di pa siya lumabas non pero ininjectionan na ako ng mga pampalakas ng lungs ni baby. Ngayon po napansin ko na kumonti un galaw ni baby kaya nagpacheck up po ako kanina sa ob ko. Pagka ie niya nga po sakin 4cm na ako. Wala naman ako nararamdaman na pain pero madalas magcontract un tyan ko. Wala din akong discharge po or di ko lang napapansin? 3 weeks nalang sana full term na si baby kaya lang ayaw na nya maghintay ata. ?