Hindi supportive parents sa pagbubuntis
Ano po dapat gawin or advice nyo sa magulang, specially nanay na di suportado sa pagbubuntis mo? aminado ako na medyo maaga akong nabuntis (19) currently at my 25 weeks at ngayon lang ako umamin sa parents. Disappointed ang dad ko pero surprisingly sya yung concerned sakin. Yung nanay ko yung sobrang galit which is normal. Tinanggap ko naman na pagkakamali ko at ako at partner ko ang gumagastos sa check up and vitamins. Pero mother ko is parang itinakwil ako because kahihiyan daw ako sa iba. tanggap ko naman pero medyo masakit lang talaga na sa ina ko mararanasan na saktan ako at itakwil sa kabila ng pagbubuntis ko. Sa side naman ni partner ko is gustong sa kanila na ako at sila na ang bahala. Alam kong malaking pagkakamali at kahihiyan ako. Matatanggap pa kaya ako ng nanay ko?