Help po.. ano po pwede lagay sa skin nang baby ko🥺🥺
Ano po ba pwede lagay dito sa baby ko?? Di ko po alam kung anong kumakagat sakanya parang di na lamok.. nilalagyan ko na po sya nang off lotion wala naman na kumakagat sakanya kaso yung kagat nya nagiging peklat.. mawawala papo kaya to?? 🥺🥺 Madami po yan both legs nya.. kada lalagay ko sya sa walker tsaka sya nagkakaron.. nagsspray naman din po kami lagi nang bahay pati na din walker nya inisprayan namin.. pero pag di sya nalagyan off lotion my nakagat padin..
Disclaimer: Di po ako nagbebenta ng cream or nanghihikayat na bumili din kayo. Opinion lang po. Ganyan din po ang baby ko. I’ve tried so many cream na nireseta ng pedia pero itong cream na nabili ko lang sa tiangge ang nag work sa balat niya. ₱45 ko lang to nabili. Pagkapahid ko in 1 day humuhupa na yung pantal and lumiliit talaga.
Đọc thêmhello po. try nyo yung TinyBuds Afterbites. ilagay agad as soon as ma notice nyo yung kagat. humuhupaw agad at nawawala. it's an affordable and natural option po.... kung nasa tamang age na ay may ibang products din ang tinybuds for dark spot treatment.
natry mo na ba kahit naka pajama si baby?? if Oo baka may skin allergies si baby.. paconsult niyo po sa Pedia para kung allergy man mabigyan ng Pedia ng Tamang gamot
baka allergy mi? pag dumami pa ipacheck mo kase sa baby ko nun akala ko kinakagat sya ng lamok e. yun pala allergy sa milk kase pinatry namin sya ng formula.
ganun po ba.. wala naman po sya kinakain pag nagkakaron sya.. pag nilagay ko lang po sya sa walker tas pagalis ko sakanya dun o sya nagkakaron..
baka may dust mites sa beddings niyo, ipagpag lang lagi ang higaan, unan, kumot, mas maganda kung ibilad Ang mga ito para mamatay ang dust mites
baka nga pong ibang insekto amg kumakgat. sa bites po try nyo po lagyan ng calmospetine and check din po ang bed/ foam baka may mga bed bugs
inisprayan na po namin yung seat nya..
Same tayo sis! Namemeklat yung kagat ng lamok ng baby ko tapos malalaki pa naman. Namamaga and makati din. Calmoseptine lang nilalagay ko.
nagpabili ako kanina ng calmoseptine try io mamaya
Aplyan mo sis tiny remedies lighten up lightening scar gel sis para mag lighten peklat ni lo. All natural and super effective 🧡
Hindi yan kagat, allergy yan. Plitan mo sabon nya ng Lactacyd baby bath and lagyan mo ng Calamine cream para sa kati.
same po ba sa baby ko? ganyan din po nagiging black yung peklat nya. I thought kagat lang ng langgam sa paa nya
first baby