25 Các câu trả lời
ok lang yan sis.. mahal nila anak mo... try to recover para sa sarili mo.. pahinga ka para bumalik ung dati mong lakas.. hindi mo sila kaagaw.. maari excited sila sa apo kahit sino naman diba.. isipin mo mas maswerte ka pa rin kaysa dun sa mga iba na walang pakialam sa apo nila.. ung iba tinatanggi pa ung iba naman di pinapanagutan... cguro minsan pwede mo din itabi sakanila matulog.. matatanda naman yan sila ehh pag bigyan mo na.. spend time with urself or mas maganda may pagkaka abalahan kang ibang bagay like business or hobby mo.. remember kahit anong mangyare ikaw ang nanay.. sayo nanggaling yan... walang makaka agaw ng titolo na un sayo hehehehe
I feel you mommy pero sa sitch ko yung kasambahay namin ang umeepal sa pag aalaga ko kay baby though wala namang problem kaya lang ang ayaw ko lang yung may gagawin ako aagawin niya sakin yung trabaho ko. Yung padededein ko, bubuhatin na niya at siya na daw magpapadede, siya na daw magpapatulog...tapos ako magiging taga timpla ng gatas, taga abot ng gamit etc. FTM tayo kaya dapat need natin ipractice para once mag second child tayo, hindi na tayo magiging dependent
Baka po akala nya okay lang sa yo kasi hindi po kayo nagrereact? Talk to her in a nice way lang po. Paintindi nyo po sa kanya na kahit first time mo kakayanin mong mag alaga kasi baby mo yun. Ako nga din nagseselos mismo sa mama ko pag sya yung humahawak. Pero thankful ako na nanjan sya incase masama pakiramdam ko or busy ako. Baka kulang lang po kayo sa communication. Better if dalawa kayo ng hubby mo mgpaliwanag sa kanya. God bless po☺️
parang nakakabadtrip yun kung saakin lang mang yare since may attitude ako talagang mataray ako so bale pag saakin yan di ko naman pinag dadamot baby pero wag naman sana halos angkinin na kung mahal nila edi maganda kung gusto alagaan edi maganda pero di naman yung halos sa kanila na mas kailangan sa ina ang bata may nagiging issue pa naman pag nasanay ang bata sa lola di malapit sa ina kaya wag ka papatalo.
Pwede mo siguro sabhin sa hubby mo para sya ang magsbi kung hindi mo masabi sknla. siguro pwede ka mag suggest tulong kayo sa umaga sa gabi sayo pra makapahinga ka kasi iba padin pag ikaw ung katabi ni baby pag tulog. Sakin nga sinasbi na iwan nalang don anak ko eh hahanap nlng dw ng yaya basta don anak ko. Pero ako ngiti2 lang ako pdin nanay e
Its good may katuwang ka sa pagaalaga, normal din na gusto nila lagi kasama ang apo nila BUT bilang ina at magulang ng bata, mas may karapatan ka over the child. If you feel natatapakan ung karapatan mo, talk to your husband about it. Para cya na din kumausap sa parents nya. Kaya din mainam ung nakabukod.
Hindi naman yan isusumbat sayo ganyan din mga inlaws ko nung nanganak yung ate ng asawa ko naging yaya sya 😅kasi lola ang nag aalaga naghahatid sa school nagtuturo ng homework katabi matulog ksama kung san pumunta lhat ng apo ganun sila di mo mahahawakan ang anak mo sa mga inlaws ko.
May advantage at disadvantage din kasi yung ganyan pero pwede mo naman ipakausap sa asawa mo yung nanay nya..
For me, sa lahat ng tao, sayo dapat malapit ang anak mo. Mangyayari lang yon kung ikaw lagi niyang kasama. Kausapin mo lang ng maayos inlaws po. Alam naman siguro nila yun, naging magulang din sila. Tapos na sila don, hayaan naman nila na gawin mo yung part mo.
Sabihin mo turuan ka niya. Kung wala siyang tiwala eh di habang inaasikaso mo anak mo dun siya sa tabi which is di naman na kaylangan dahil tayo mismo ang magulang kaya iingatan natin anak natin. Pero isipin mo na lang sobrang mahal niya apo niya pero may limitation dapat yon kasi ikaw ang magulang. Believe me mamsh, may boses ka dapat at ikaw dapat ang masusunod dahil anak mo yan. Daanin mo lang sa pabuting usapan. Much better kung asawa mo ang magsasalita since magulang niya yon. Hingiin mo suporta ng asawa mo kasi desisyon niyo dapat yon.
ok naman yung ganun.. pero sana ikaw parin umasikaso sa anak mo, kasi malalayo ung loob sayo ni baby kung puro sila.. attachment niyo un bilang mag-ina at dapat di ka agawan sa bonding moments niyo... baka pagdating ng panahon sabihan ka nila na di mo inaasikaso anak mo
Sinabi mo pa momsh. Kaya nga sana gusto ko sana munang umuwi samin. Natatakot kasi ako na one day sya na hanap hanapin ng baby ko hindi na ako
Sabhin mo kapag 1yr old saka na itabi saknila 😅 mas matutuwa nadin sila kay baby non. Sabhin mo gusto mo din maranasan maging nanay. Bigyan ka din nya ng time para sa anak mo. 😊 kaya mas ok pag breastfeed. No choice sila kundi ibigay sayo ang baby kapag gutom 😂
Yun nga ang hirap sis. Mix kasi si LO kaya okay lang kahit hindi ako ang katabi 😞
Mrs. Gabriel