BITTERSWEET CELEBRATION

Ang bittersweet pala watching your baby grow up no? Ang bilis lang nilang lumaki. Gusto mo pabagalin oras para mas makarga mo pa sila pero at the same time excited ka na lumaki sila. I remember posting questions here and finding answers about everything sa unang tatlong buwan nya kasi I am a first time mom and I am still new to motherhood. Ngayon mag 1 year old na sya. 🥹 Iniisip ko paano ko nasurvive yun hahahaha. Looking back, mas madalas ko na lang maalala yung mga panahong karga karga ko sya, na tulog sya sa arms ko, na pinapanood ko lang sya minsan matulog, yung mga giggles and hugs. Yung kung saan mo sya iniwan, andun pa din pagbalik mo. I never thought motherhood would unlock certain emotions and certain versions of me. Nakakapagod pero ang sarap pala maging nanay.

 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời