FirstTimeMom?

ALAS TRES Y MEDIA NA ng madaling araw. Naalala ko bigla yung unang ilang linggo ko bilang isang ganap na Nanay. Yung mga panahong maya’t maya ang gising ni baby. Maya’t maya ang dede. Hele. Iyak dito, na minsan hindi mo na alam gagawin para mapatahan siya. Ang resulta, gising ka rin magdamag. Sabi nila sabayan mo ng tulog ang anak mo. Eh papaano? Sa isa or dalawang oras siyang tulog, hindi mo malaman kung anong posisyon ang kumportable dahil naghihilom palang yung katawan mo dahil sa panganganak. Hindi mo rin alam kung anong mali, bakit masakit magpadede. Tama naman position ni baby. Sinunod mo naman yung mga payo ng mga nanay. Pero iiiyak mo nalang yung sakit, kasi kailangan ng anak mo eh. At dahil tahimik ang paligid, ikaw at ang baby mo lang ang gising, mas ramdam mo yung halo-halong emotions mo. Ang haba ng gabi. Parang hindi natatapos. Pero ikaw, antok na. Pagod na. Pero. Nanay ka na. Kahit naghihilom pa ang katawan mo... Kahit wala ka pang matinong tulog... Kahit hindi ka nakakakain sa oras... Tuloy parin ang pagiging nanay mo. Ayokong sabihing ‘i-enjoy mo lang’ or ‘treasure every moment’ kasi sa totoo lang, may mga araw o gabi na hindi mo na maiisip yan sa pagod mo. Motherhood is tiring but fulfilling. Pero at this point, madalas tiring lang siya. And it’s okay. It’s okay. Para sayo na First-Time-Mom... I know you feel physically and emotionally weak right now. But despite that, you keep going. That makes you hella strong. ?? Things will get better, Mama. Take it one exhausting day at a time. ❤️

12 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Same sis.. ganyan ako 1-2wks ni Lo kakapanganak ko lang CS pa ko nun buti nlng preggy palang ako nasanay na ko sa puyat kea nasanay ako na konti tulog pero ung iyak sya ng iyak natataranta ako.. nakapag adjust na ko at d nko natataranta. Sobrang pagod ako physically,mentally at emotionally pero masaya ako at palagi ko pinaparamdam ke baby ko na mahal na mahal ko sya..

Đọc thêm
Thành viên VIP

minsan ngkakanda pilay na braso ko kakakarga sa lo ko but still nangingibabaw prin ung love.mahirap na msaya but we have to believe in God na makakayanan ntn hanggang sa lumaki cla. all sacrifices tlga mommies ang nkakaranas but we need to accept it.diffent sacrifices nmn pra sa mga responsible father. keep on praying. everything will be ok. 😊

Đọc thêm

All the mommies out there ALMOST have the same experience. I'm on my 29th week na and I'm preparing myself to those sleepless nights. Everything us moms do will be worth it basta para sa mga anak natin. ☺️

Thanks for the motivation mamsh. Currently 20days after giving birth and yes its exhausting. But still blessed and thankful for my LO and husband. 😊 God bless us all.

saken, ng ii love you siya and ako palagi ung “I love you, we love you” or sinasabi niya “I love you both” ganun lg.

Relate!! 3am til now 8am gising pa kami. Mababaw tulog ni LO

Thành viên VIP

We are all bless momies😘 keep it up kaya natin to

Thành viên VIP

Getting ready momma.😇🤭👍💪

nireready q na sarili q 💪💪💪

Thanks for this. ❤️