Marriage Life!

6 yrs of being bf/gf, 2 yrs live in & 3 months married and a baby coming!🥳 How's your life after marriage po? Ano pong mga adjustment nio especially to those couple na medjo my katagalan din na mag bf/gf muna before mag plan na magpakasal. Simula kasi ng makasal kami ni hubby dito na ko sa bahay ng in laws ko nakatira and ok naman, wala namang problema sa kanila at asikasong asikaso pa nga ako especially na magkakaroon na rin sila ng apo. Ask ko lang kasi if meron din ba sa inyo - noon kasi na bf/gf at live in pa lang kmi ni hubby di ko pinapakealaman yung money niya unless kung bibigyan niya ko or if my babayaran sa grocery hati kami. Ngayon kasi no work pa ko kasi preggy and medjo maselan din pagbubuntis ko pero my plan nman akong maghanap kapag ready na ko ulit after pregnancy. Di ko kasi handle yung money ni hubby kasi kahit naman bigay niya sakin credit card niya mabubuksan niya pa rin at mka access through online. Di rin kasi mahilig si hubby sa cash out unless if kelangan like pamasahe or pambili ng food. Binibigyan din naman ako pambili ng cravings and nagtatanong naman sia if my need ba kong bilhin na di ko mabili kasi nasa province kami and yung work nia nasa CT pa. Ok lang naman po ba yun ? kasi sa bayarin naman dito sa bahay yung in laws ko yung bumabayad from food, water at electric bills. Nahihiya nga ko kahit pa anak din naman nila yung hubby ko kasi yung ambag lang talaga namin sa bills eh yung internet and nasa senior na rin sila. And sinabihan naman na ko na mag focus lang ako sa pregnancy ko and ok naman sakin yun, yun lang kasi di mawawala kung ok lang ba na ganon yung set up namin ni hubby, di ko pa sia kasi natanong kung nag iipon din sia para sa delivery ko. Supportive din naman mga kapatid niya at lahat sila excited din naman and willing to help pero di din kasi mawala sakin yung hiya kasi nga married na kami and feeling ko responsible kami sa gastusin. Minsan nahihiya din ako mag open up sa hubby ko kasi feeling ko wala naman nagbago samin simula nang nakasal kami maliban na lang sa mas naging sweet at maalaga sia sakin. Share nio naman mga mommy and daddy yung thoughts and experiences nio as newly wed and kung my adjustment din kayong ginawa. Thank you!☺️ #advicepls #firstbaby #firsttime_mommy #marriage#NewlyWed

7 Các câu trả lời

hi mi 😁 7 yrs bf/gf 7 yrs live in 3 yrs married as of august 2022 1st baby coming this dec 2022/jan 2023 set up namen ni hubby nung ikasal kme is tumira kame sa family ko (province of laguna) nung 2020 since lockdown sa manila, pinilit nameng umuwe at tumira muna sa family ko. Both working kame ako WFH pero may physical office sa manila while husband is freelancer VA kaka hire lang nya non both nwalan kse kme ng work after kasal kse nsa graveyard shifr kme plan na nameng magbaby kse that time 30 yrs old na kme may health issues pa ako (fertility issues) kay nag resign kame at nghanap ng morning shifts. Sa bahay namen kargo nameng mag asawa ang family ko kahit sbhn ng mother ko wag na daw nahihiya kame since kasal na kame at feeling ko nakikisiksik lang kme don.. apat ang kapatid ko,plus mother ko plus pinsan ko..ate ko lang may work non kaso once a week lang kse nga pandemic no work no pay sya so ang siste kame tlga ni hubby. Mula kuryente,tubig,internet,grocery at pang ulam (2k kada sahod sa ulam) ung plan nameng mgbaby natigil kse hindi na ako mkpag pacheck up kse nga although share kame sa gastos mas napalaki ang gastos kesa nung live in kme sa manila. Sa pera naman ni hubby until no hindi ako nakikialam sa knya same as you tntnong nya din ako if may gusto ako,cravings,may pera pa ba ako kapag wala east hugot sa wallet nya ang gngwa ko okay lang naman sa knya bsta ssbhn ko san ko ginamit ang pera. April 2021 bumukod na kame dito pa din kame nakatira sa laguna pero apartment na malapit pa din sa bahay namen. This time mas nabudget namen ang pera hating kapatid este hating mag asawa sa lahat ng bagay pero dahil mas malaki na sahod ni husband may times na lamang sya sa gastos kse ang sweldo ko 17k per month lang..kulang sya kse nag high risk pregnancy ako this year (march 2022 FTM) nabedrest ako ng 3 mos at walang sweldo, salo ni husband lahat ultimo cravings kong mais sinalo nya ☺️kase ubos tlga sa gamot,transv at check up ung natira kong sweldo, nung sagad na ako as in sagad na sagad ni piso ubos na sya na lahat ang gumastos, nakakapag bigay pa sya sa parents sya kapag umuutang sa knya hindi ako against don kse ang snsbe ko as long na may ipapautang ka, at pera mo naman yan at magulang mo naman yon go lang! hindi ako against don kse once in a blue moon lang din sila humiram sa husband ko kapag walang wala na tlgang pera. Sa pagsasama naman namen walang nabago since 7 yrs kmeng live in kilalang kilala ko na sya at ganon din sya kaya di na mhirap sa pagsasama..dagdag blessing si baby sa min. Ngayon ng recession sa US afftected ang sweldo ni hubby mejo masasalo ko naman sya ng very light kse bumalik na ako sa work ko. Reason din bkit kme lumipat ng house ni hubby at umalis sa side ng family ko is nahihirapan kme mg ipon, hindi naman sya nahihirapan makisama pero kse ung kargo nyo lahat mahirap tlga.

Kaya nga po. Nasabi ko rin yan sa mama ko dati before na kapag mag aasawa na talaga ako baka di ko na sila matulungan ng husto. Ok rin naman ngayon kahit papano kasi sa province di gano ka problema yung foods yun nga lang at may pinapaaral pa kaya medjo mabigat din. Sa ngayon po kasi naka focus kami sa pagdating ni baby kasi ilang weeks na lang rin naman. Di lang talaga mawala sakin na isipin kung ano mangyayari after or yung mga changes saming mag-asawa 😌

3years Bf&gf 1 year live-in 9years married we had 2 kids He's conservative probinsyano I'm liberated from Pasig. Nagyaya siya pakasal. Nagpaalam ako sa magulang ko Maluwag na pumayag, sabay pusta ni tatay ng hanggang 5years lang kayo. I put a bet. No! It will be forever! Pumunta ng province. Ako namanhikan Tinutulan ng mama niya Bumalik ako ng Pasig Sinundan ni BF after 2months Hinatid pa siya ng papa niya Nagsama na kami Subrang sabik niya Najackpotan agad sa unang gabi Nabuo ang panganay 3months na si Baby Bumalik ng province. Tuwang tuwa mga byanan sa 1st apo Hindi ko na mahawakan. 6months si baby, we got married. Mentally and Emotionally nagmagtured ako. Si hubby, feeling binata parin. kahit anong oras uuwi. Walang linggo na walang away. Hindi naman siya sinasakal pero hindi sumusunod sa napagkasunduan. 1st year.. gusto ko ng layasan. kaso matatalo ako sa pustahan. 2nd year, no changes. binalak ko ng layasan, pero puro loan ako, kaya not now. 3rd year, lalayasan na sana kaso inisip ko ang kapakanan ng anak ko. 4th year, same. ano bang mali? ano bang kulang? then sumali sa bible study ok, i see.. change ako ng approached. MAS naging maasikaso, pasensyosa mahinahon, malambing, madasalin. 5th year, may konteng nagbago sa kanya, nag lay low lang, pero hindi totally nagpakabait. Then the finale came, (last naming away) " Papa, sabi sa bible, Husband love your wife. Wife submit to your husband. Willing namn ako sumunod sayo. Yung submission hindi nangangahulugan na magiging under ako sayo, but it is willingness to follow. Pero paano mo masasabi na you love your wife kung araw araw nalang ako nangungunsumisyon sayo? Saka nga pala, tinantancha ko na kung kaya ko ng buhayin si Sofie ng mag-isa" Then the miracle wind blew at him. Fast forward going 8years na kaming walang away. Mas naging sweet pa kami sa isat isa. Mas sweet pa kesa nung MagBF at GF palang kami o nung nagsama kami. He is not just my husband now, He is a bestfriend and comforter. The best buddy i ever had. I finally found my happily ever after. Hindi pala siya basta basta hinihintay, Pinag e effortan din pala... 😊

Iba talaga kapag kasama si Papa God sa buhay. Kahit anong hirap malalagpasan. Mas lalo pang pinatibay yung pagsasama niyo po sa lahat ng pagsubok na nangyari sa inyong mag asawa. Di man maganda ang napagdaanan nio at least naniwala kayo at di mo sinukuan ang asawa mo. Thank you for sharing mi.☺️

2 years of being bf & gf and 5 years married and counting. Semi-live in na kami ni Hubs nung mag jowa pa lang kami. Hndi naman kami nahirapan na mag adjust nung nagoakasal kami parang wala lang nangari. 😅 Sa expenses, since LDR kami ni Hubs nagpapadala lang sya monthly nandoon na yung bills, groceries and other expenses namin kaya lang mali pala ako ng pag bubudget kasi ang ginagawa ko hinihintay ko maubos padala kaya wala akong naiipon kahit sabihin kong kunripot ako. Dati once a month lang sya magpadala sakin. Ngayon, nag send ako sakanya ng expenses namin tas fix yung allowance namin. Every 2 weeks sya nagpapadala samin. Kaya ngayon, may naiipon na ako. Okay din ako sa side niya hanggang sa pag buntis until dumating si LO puros superstitious and discrimination sila kung ano gnagawa ko sa anak ko like sa pagpapaligo, pag dadamit and all. Nagbbigay din naman sila pang gatas or other expenses ni baby. Mabait sila, wala ako say don. Parang gusto kasi nila na sila lagi ang nasusunod para sa anak ko and I don't like that. Minsan sinusunod ko din naman sila para wala din masabi. Di ko alam kung nega lang ako pero ganon nararamdaman ko at sa 7 years ko na silang kilala at nakakasama, may side din na di maganda talaga specially sa MIL ko. Alam nyo naman ang mga MIL hihi. Kaya kahit gaano kabait MIL natin, mas maganda ang nakabukod ng bahay. Katulad namin pag nag aaway kami ni Hubs di namin masolusyunan at mapag usapan yung problema namin... we need to act pa na okay kami. Di ko mavent-out gusto kong sabihin, aminin na natin na minsan need natin magdabog hahahahahahahaha!

Sana mi 😆 though di naman mapamahiin ung MIL ko pero ako kasi lumaki sa mga naniniwala sa pamahiin. Yun nga lang kasi sabik sila sa apo, baka sa pagdisiplina magkaron kami ng ibang opinyon 😌

hello mi 6years bf/gf 6years live in 7months married in feb.14 2022 1st baby namin is sep 13 2017 at may 2nd baby na din kmi oct 21 2020 ang set up namin since bf/gf at live in until now marriage life wala naman nagbago actually mga bills lang ang dumagdag at since we have a special baby and nag aaral ang first born ko also me nagtuloy ako sa studies ko ok naman .Then were 5 familys in one house dto sa in laws ko but then ok naman momshie sharing lang sa bills at mag kakaiba kmi ng lutuan sa mga kasama namin dto sa bahay!😊Madami mang pagbabago sa dami ba naman namin sa isang bahay e talagang pahabaan ng pag unawa at pasensya . then about sa maubusan bigat and etc syempre walang pakialamanan kc kanya kanya naman kaming buhay lutuan at kaldero 😄kung may maitutulong man sila minsan samin thank u pero more of wala so ok lang ..hehe Ganun talaga thankful lang tayo kung may ibibigay sila at mas magandang sila ang magkusa bigay kaysa kami ang lumapit at manghingi .Pahabol ko lang im proud to say that im a teenage mom when i got my first baby but now im 20 na .and Marami na akong natutunan sa buhay at kung ganu kahirap ang buhay so i grab the opportunity na kaya ko pang mag aral at may tutulong pa sakin ang parents ko luckily i have them so much supported nung sinavi kung magtuloy ako kasi sabi kong mahirap ang buhay ng walang pinagkakitaan at ng hindi nakapag tapos ng pag aaral .❤ #no to bash #please respect me po kahit maaga man akong naging ina ❤️‍🩹.

Ganun dw talaga mi basta magkakaanak na, no choice na at kelangan na maging responsable at habaan ang pasensya sa lahat. Swertehan lang talaga sa mga in laws at sa husband din. keep it up mi, susubukan talaga tayo ng tadhana at di pa naman huli ang lahat ☺️

VIP Member

Depende, si hubby nun nagdecide na kami na magsama. Yung atm niya is binigay niya saken. Both kami may work. Kukunin lang niya atm niya pag uutusan mo mag withdraw. Di naman sa nakikielam pero I require mo din na magbayad kayo ng ibang bills aside sa Internet. Nakatira kami sa parents ko, with my sister. Since andito kami nakishare kami sa bills kahit na nag insist parents ko na ikeep na lang for our baby kasi preggy din ako. Pero iba din kasi yung my sense of responsibility ka. Like half kami sa internet, water bill and add ng grocery and weekly pamalengke para pag nag decide kayo mag bukod hindi kayo mabibigla. Pwede mo siyang sabihan na gusto mo itry na ikaw humawak ng finances niyo. Para you know the flow of savings and payables.

Yun din nga gusto ko mi kasi di pa ko kaalam maghandle ng pera kahit pa nag live in na kami dati. Thank you mi try ko open up sa kanya to. Actually sinabihan din naman nia ko kung iwan sakin yung atm nia na from work kaso sabi ko wag na kasi ma aacess din naman nia kasi meron din siya other cards pra ma transfer yung pera nia. 😆 Sinabihan ko na nga din mag open kami ng joint account for saving kaso after panganak ko na raw kasi sia lahat gumagasto sa check ups and vitamins ko. Hirap talaga kapag wala kang income na sayo talaga kasi mahirap gumasto at humingi☺️

at sa about sa mga kiddos ko! Rason ko ang rason ko as much as i know that my dicission is more than good kesa sa mga suggestions nila 😉My son my rules🥰pero kung alam ko naman mali ako d xgi panalo na sila susundin ko sila 🤭

hay nako mi .Kung hahayaan mo lang kc nako para kang sasakalin nila kasi lahat ng gusto nila kaylangan masunod 😣.Dami ku ding iyak mi mula umpisa hanggang ngayun minsan haha kasi nasa inlaws ko kami nakatira kaya naman habaan pasensya superr hehe .

stop overthinking mi, and tell your hubby lahat nang concern mo na need para ma settle nyu yung mga bagay na need pag handaan sa panganganak at sa pag dating ni baby para na rin sa peace of mind mo mi.

mas emotional kapanamn ngayong buntis ka mi, okay lng yan mi mas okay na open kayo at napag uusapan niyo pag mka bwelo ka. samin kasi nang hubby ko before lagi ko mas inuuna yung sa part nang hubby ko like kng ano mas gusto niya or makakabuti sa kanya which is wrong samin dapat fair kme lagi at mag compromise sa isat isa para both kme may peace of mind. hehe ldr panamn kme kaya pag na uwi lagi kme nag haheart to heart talk.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan