ask
5 months na po ang tyan ko at nakita na namin gender, pwede na po ba bumili ng gamit kahit pa unti unti. Ayaw po kasi naming mahassle sa bibilhin lalo na't nag iipon pa kami sa pag panganak ko. Sabi daw po kasi bawal pa pag maaga? Baka daw po hindi ma tuloy. Curious lang po hehe sana pwede na bumili.
Go na mamsh. Habang keri pa at ng budget, mas ok na unti untiin lalo na kung nagtitipid, hirap kasi biglain baka may biglaang dumating na ibang gastusin mahirapan ka din po.
Pwede yong pede sa girl or boy na color. I have friends na nagpa gender ultrasound pero kabaliktaran nman lumabas. It's still God who will have His will. Add on Prayers....
Pwede na po mamsh. Sobrang bigat sa bulsa ng pagbili ng gamit ni baby kaya mas okay na unti untiin ganun ginawa ko and now complete na si baby nlang hinihintay nmin 😊
Pwede naman po. 5 months pregnant na din po ako at almost complete na mga gamit ni baby. Mas maganda po unti untiin para di masyado mabigat sa bulsa 😇
same tayo, kaso ako hindi pa ako bumibili kahit gusto ko na. natatakot ako sa mga pamahiin hahaha. but it depends pa din naman sayo yon 😊
Ako din sis nakapamili na nh ibang gamit pero konti palang, dapat talaga unti untiin na para di hassle lalo't nag iipon din pang panganak
Mayron mga baby fair this month, kung malapit ka sa area punta ka sa tiendesitas this aug 16-18 o kaya sa sm megamall aug31-sept1
Pwede naman po. Pero mas better kung lampas na 6 months para sure na mabubuhay si baby kung lumabas man ng maaga.
Go n po Yan ako nga dpa Alam gender nah iipon na pra in a few months cash nlang iiponin☺️
Pwede po. Nung nalaman namin ang gender nagstart na kami bumili ng pakonti konti