Masakit po ba ang induce labor?

38 and 4 days na ko ..pero wala pa rin sign of labor . Sabi ng ob ko pag sa sunday check ko uli pag nag 2 cm na ko iinduce nya na ko ..para makapanganak nko ..bali sa sunday 39 weeks n po ko ..araw raw na ko nag lalakad ,nag squad ,akyat baba sa hagdan nag pine apple juice ..pero wala pa rin sign of labor ..ang concern ko lng po pag ininduce po ba ako is tripleng sakit po daw yun sa labor ..kaya kaya mga mii pag induce para sa normal delivery?

21 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hanggang 40wks to 42wks naman ang pregancy basta walang complications..ako nga 40wks nanganak sa 3rd ko. Mismong araw lang din na un nag open cervix ko, natural labor lang sa bahay, dumating ng hospital na almost fully dilated na. Sa 1st baby ko naman 1cm dilated na ako at 37wks. nung nag IE sakin na midwife, aksidente nyang naputok ung panubigan ko ayun na refer ako sa hospital ako tas hinintay muna ng ilang oras kung mag dilate naturally cervix ko pero stuck sa 1cm kaya nag decision OB na ipa induce ako. Juskooo ang sakit, 4cm pa lang feeling ko lalabas na baby ko. Nagmakaawa na nga ako iCS na kung hindi naman nila ako iCS, turukan ako na hindi ko marandaman ung sakit ng labor, ayun napatulog ako ng 5hrs nagising ako sa sobrang sakit na natatae na feeling tas pag IE fully dilated na. 12hrs induce labor un at buti na normal delivery ko. Ung kasabayan ko sa labor room nun mas nauna pa sakin na admit induced labor din ayun stuck sa 5cm tas nag low fetal heartbeat na sya kaya naCS sya. Masasabi ko lang mas okay na okay mag natural labor kesa induce labor na napakasakit, mas randam mo ang sakit dahil nakahiga ka lang, di gaya pag natural labor pwede ka pa makapag position na gusto mo. Ung 2nd at 3rd kong anak natural labor sila sa bahay lang nag labor. Hindi din guarantee na pag na induce e maiinormal delivery, case case basis pa din kase pwede magkaroon ng complications while on going ang labor.

Đọc thêm
1y trước

Ako mii mag 41 weeks bago nakapanganak last july lanq sa 2nd bb ko, my OB plan me to induce na sana kc antagal din naq open ng cervix ko then overdue na ako. for admit na sana ako that day para e ma enduced na kc last iE ko 1 cm padin.Kaso pinauwi nya muna ako that day kc sabi Ni ob baka kaya padaw e normal labor biniqyan nya pa ako nq 3 days tas paq wala padin daw induce na talaga ako. Then neresitahan nya ako ng priemrose oil at unq pampahilab. iNsert ko daw nq every 6 hrs 4 pcs ng prim. oil then ginawa ko nMan. kinagabihan din nun naqka sign of labor na ako may blood na sumama sa gloves paqka insert ko nunq prim. oil tas nahilab nadin anq Tyan ko. THANKFULLy na i normal ko si baby kinabukasan ng umaga. Kausapin mo lanq si baby mo mii saka DASAL lang talaga ako talagang ni'claim ko kai lord na maiinormal ko si baby kaya tiwala lanq at lakasan anq loob. and i think naq effect talaga unq Priemrose oil na enensert isa un sa nakatulonq para Mapabilis unq paq Open nq cervix ko. try mo

based on experience sa 1st ko, yes, super sakit na ayoko na maulit maglabor talaga compared sa 2nd baby ko na natural labor ang nangyari.- both normal delivery, btw. sa induced kasi pinipilit na maglabor ang katawan kahit di pa ito ready talaga kaya matindi ang sakit at short span of time lang like within 24hrsangyayari lahat unlike sa natural labor na unti unti nangyayari, di biglaan, at minsan inaabot pa ng weeks. share ko lang din sa 1st baby ko lakad lakad malala ako pero induced ako. sa 2nd naman puro higa at tulog ako, as in tamad na kong maglakad at hinintay ko na lang maging ready si baby (dahil nadala na ko sa 1st ko na very anxious nun na lumabas na si baby kaya sige ako patagtag) nagrelax lang ako at kinausap si baby, mukhang effective naman at nagnatural labor ako. kausapin mo.si OB mo if edd mo na para malaman kung anong plan. but for now, just relax, wag mong stress-in ang sarili mo magpatagtag kahit na pagod ka na. mahirao maglabor ng pagod ka, swear. ku

Đọc thêm
1y trước

40 weeks n ko sa linggo mii ..no sign of labor pero sana ma open n cervix ko kahit 2 cm para ma induce ako ..tiisin ko n lng ang sakit ayoko ksi talga mga cs ..sabi kasi ng ob ko pag di nag open ngayung linggo schedule for cs n ko ..which is ayoko talga pero no choice😟😥

Same, I was then 39weeks and during that time na ginagawa ko lahat ng ginagawa mo since 36 weeks para manganak na during term. Lahat na talaga evening primrose 6x a day pa nga yun. Tapos weekly IE ko 36-38 weeks 1 cm padin and floating. Until I get induced, nong naadmit ako due to leak ng amniotic fluid but hindi ako nglabor. I was induced 2 times kasi floating baby though open cervix na ako. Stuck ako ng 4cm ng hindi nkakafeel ng sakit after getting induced kaya ayon na Emergency CS ako. Depende po sa pain tolerance mo yan but feeling ko masakit tlaga kasi yung mga kasabay ko dun na naglelabor. Ako nalang yung na trauma. Focus ka lang pag nandun ka na, just embrace the pain isipin mo nlang baby mo kaya kakayanin mo ano mang sakit. Aim for Normal Delivery po. God bless and Good luck sa delivery mo soon. 🫶

Đọc thêm

sa 2nd and 3rd ko induce labor ako. kasi yung sa 2nd ko 8cm nako checkup ko non pero wala akong nrrmdaman na pain tapos si baby ayaw bumaba para mailabas ko na e naka salang na ako sa DRoom, kaya nag induce na sila para ma full nako at labas na baby. sa 3rd lo ko, 40wks na kami. Checkup ko din hindi nako pinauwi, from 2cm na 2weeks na at walang progress ayun induce labor. Di ko inisip yung pain, kasi importante saken makalabas si baby ng maayos at healthy. Temporary pain lang naman ang childbirth, mas ininda ko pa nga yung tahi sa kepsss sa totoo lang. 😆 samahan mo ng prayers para mawala ang fear mo at mapalitan ng excitement.

Đọc thêm

mas masakit po ang induced labor. pero no choice ako kase my water broke pero 1cm palang ako. ang tagal magopen ng cervix ko so kailangan mainduce. after 8hours of induced labor, nakaraos din ng normal delivery. buti kumapit si baby and hindi bumaba ang heart rate nya, kung hindi emergency CS. dun ko narealize ang hirap ng mga nanay, pero kakayanin para kay baby. pray lang. 🙏

Đọc thêm

Mi kalma lang samahancmo ng prayer ako 40 weeks and 2 days bago nanganak. Basta hindi highrisk and healthy pregnancy kaya yan. 37 weeks 1 cm nako pero inabot prin ng 40 weeks mhigit . lakad lakad lng tas exercise nuod ka sa yt gayahin mo. Ako naglalakad ako nun bumili ng primrose biglang pumutok panubigan ko. ayun by God grace nairaos naman. Sana ikaw din

Đọc thêm

mii hindi lang po triple 10x ang sakit nya kumpara sa normal na nang lalabor 🥲 na induce din ako sa first baby ko walang epidural as in purong induce labor mi. 8hrs din ako nag labor talagang hinihilab nya tiyan mo mi . pero lakasan lang yan ng loob isipin mo malalabas mo na si baby 😊 pag nakalabas naman na si baby mawawala na hilab nya . goodluck sayo mi.

Đọc thêm
1y trước

mii nung ako wala din signs of labor sarado din cervix ko nanganak nako 40 weeks na. kahit sarado pa cervix ko ininduce labor ako ayun unti unti din bumubukas cervix ko habang nag lalabor.

induced labor pero hindi bumaba si baby ang ngyari na CS din🥲 hindi po makukumpara ang Pain kasi nakadepende yan sa pain tolerance ng manganganak . at masasabi ko lang masakit naman talaga po manganak . pray lang mii.. isipin mo po kelangan niyo mailabas si baby na safe kahit gaano pa kasakit kakayanin🙏 Godbless

Đọc thêm
Thành viên VIP

ako po 1month naka 1cm tapos pinag induce labor na ako nung saktong due date ko na hindi padin nalabas yung bata, from 5am to 4pm yata ako nun naka induce labor unfortunately nauwi po sa emergency CS. Naninigas lang lagi tummy ko nun pero ramdam ko active si baby sa loob, + nasakit na yung balakang ko.

Đọc thêm
1y trước

mi, talk to you OB ko kung need naba mag cs kasi dipa din na open cervix mo, mukang ayaw bumaba ng bata. sabihin mo nalang po na worried ka baka maka pupu yung bata. yung sakin kasi nag sabi naman ang OB sakin na possible for CS ako kaya nakapag ready din po ako dati. mas importante padin lagay ni bby, and if nag YES for cs OB mo, confirm mo na din po exact date.. yung sakin kasi diko na pina abot ng 24hrs ng induce labor kasi hirap na hirap nadin ako kaya nag GO nadin ako gor CS kasi nag aalala ako mag pupu yung bata

sabi nila masakit daw hahaha pero nung na-induced ako para lang syang menstrual cramps para sakin. tolerable yung pain. siguro raw kasi mataas pain tolerance ko sabi ng nurse. 😆 41 weeks na kasi si baby that time kaya pina-induced na ko ni ob.