Masakit po ba ang induce labor?

38 and 4 days na ko ..pero wala pa rin sign of labor . Sabi ng ob ko pag sa sunday check ko uli pag nag 2 cm na ko iinduce nya na ko ..para makapanganak nko ..bali sa sunday 39 weeks n po ko ..araw raw na ko nag lalakad ,nag squad ,akyat baba sa hagdan nag pine apple juice ..pero wala pa rin sign of labor ..ang concern ko lng po pag ininduce po ba ako is tripleng sakit po daw yun sa labor ..kaya kaya mga mii pag induce para sa normal delivery?

21 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

yes mi triple yong sakit pero worth it naman if ma e labas mo na si lo. 39 weeks and 5 days ako nong pinanganak ko yong baby ko. 2cm lang po ako that Time nong dinala ako sa hospital. 5cm nako nong pinag induced nako. kaya mo yan mi. pray lang po.

1y trước

Mii until now ..0 cm pa rin ako 39 and 3 days na ko ..mejo stress n ko ..duedate ko sa linggo pag di daw nag open cervix ko ..ma cs na ko ..which is ayoko mangyari pero wala akong choice ayaw pa rin ni baby lumabas..ginawa ko nmn na lahat ..

Masakit. Umiyak ako sobra. After 3 days nagkalagnat ako at grabe pananakit ng katawan after nanganak. Pangatlong panganganak ko na at ni isang beses di ako nahirapan kundi ngayon lang ng na induce ako. 😭

Same tayo mi, 38 weeks na din and may check up ulit ako sa friday. While wala naman sinasabi si doc na iinduce nya ko, napa-praning na din ako.. worry ko naman baka biyakin ako, which is ayoko talaga..

1y trước

Hope all goes well mi.. good luck 🙏🏻🙏🏻

first baby ko po induced, haha parabg gusto ko na lang humiga sa floor sa sobrang sakit. nai ere ko pa si baby kaya medyo na deform ulo nya pero ngayon ok na sya turning 3 months 💗

1y trước

kakayanin yan mih, worth it naman yung sakit kapag lumabas na si baby, super ginhawa sa pakiramdam. kahit ako sinuggest na nila ics kasi nga stuck talaga sa 2cm e saka cord coil pa double loop.. prayers lang talaga tska lakas ng loob 💗

Yup triple yung sakit pero shorter interval naman. Instead na maglabor ka ng ilang araw,pag induced ka,triple man yunh sakit,pero maya maya lang manganganak ka na.

1y trước

Talaga mii..kasi this sunda check up ko then IE daw ako pag nag 2cm ako ..induce na raw ako ng ob ko ..kaya mejo kabado na rin ..sana mag open cervix n ko this sunday para makaraos na..

Masakit po and at the same time mahirap daw po kay baby sa loob kasi malakas ang contraction sa kanya based po sa nakita kong video yung about po sa inducing labor

HAHAHA grabe yung induce labor pag mahina pain tolerance mo magccolapse ka talaga 😅. Grabe yung sakit, 😂🤣 nakakapanghina sa sakit x3 talaga ang sakit.

1y trước

Sana nga mii makayanan ko..at sana mag open n cervix ko ni wlang sign of labor p rin ..sa linggo 40 weeks n ko at baka ma cs ako pag di pa nag open cervix ko

ininduce din ako. pero inisip ko na lang na lahat naman dumaan sa sakit pero pag nailabas mo na si baby mawawala lahat. kaya mo po yan mamsh...

1y trước

Sana nga mii bukas 40 weeks ko na at sana open cervix na ko 😭😭😭

first baby ko Mami induced labor ako. sobra sakit 😅 pero makakaraos din Naman. tiis lang sa sakit

1y trước

Ilan weeks ka mii nung na induce ka? Ako di pa rin naka open cervix ko

sobra huhu enduce ako 36weeks wala na ko panubigan at open na open na cervix ko non 3-4cm na

1y trước

no po mi hindi normal kasi 34 weeks 2cm nako pinipigilan pa nila kasi bawal pa daw tas medyo nag ok pero lagi pa ren may discharge hanggang dumating sa point na di ko na talaga kaya mag damag ako na enduce dinukot nalang mo ni ob ung baby sa loob kasi pag umiire ako tumataas heartbeat nya ulo lang lumalabas di kasama katawan