small tummy
29 weeks. Admin pa post please. Dami nakakapansin na maliit daw tummy ko? sa ulteasound 29 weeks na ako. Sa LMP ko, 27 weeks ako today. Even si mama sinasabi na maliit daw tummy ko. Advice nung mga kaibigan ko na upahilot ko daw Kasi parav"mabungkal" Inaamin ko mga sis, Nung 1st tri Lang ako jagtake ng vitamins. Folic acid and multivitamins (Omega 3 + fatty acid + taurine) netong 2nd up to now na tri Wala na?? sagana ako sa gatas. Bearbrand at ANMUM Choco milk. Araw araw gatas, mansanas, gulay,gulay,, at gulay. Bihira ako sa kanin. Mahilig ako sa chocolates ( dairy milk chocolate) . Nung dalaga ako Wala ako bilbil Kaya baka maliit tummy ko?? Mga sis, okay Lang Kaya magpahilot? Pede po ba patingin ng inyong mga tummy?
As long as okay naman si baby sa loob okay lang yan mommy, kasi may mga maliit talaga magbuntis, ako nung nag 8 months na tyaka nahalatang buntis ako, hindi rin malaki yung tyan ka kahit di naman tinatago para lang siyang bilbil, matigas lang kapag kumakain ako, and now Im on my 36 weeks na and di rin as in malaking malaki sakto lang. Tinanong ko ob ko dati bakit maliit lang tummy ko sabi niya may ganun daw talaga pero okay naman size ni baby sa loob. Masama na po kasi magpahilot kahit mga lola ko ayaw akong ipahilot nun kasi one time may kaibigan silang nagpahilot ang anak namatay yung baby sa loob.
Đọc thêmYan ung tyan ko 29 weeks. Iba iba kasi talaga tayong magbuntis. Sabi naman ni OB tama ung size and weight ni baby for his age. Sa OB lang po kayo makinig, kasi sila po nakakaalam ng tama. Case to case basis kasi. Ung iba pumapayag sa pre-natal massage, ung OB ko ayaw talaga. Pwede lang daw paa and kamay. Wag po kayong mag stop sa vitamins and mag diet, unless otherwise advised by your OB. Also, pagdating ng 8months lumaki na rin ung tyan ko, ung muka nang buntis talaga.
Đọc thêmPa 21weeks pero parang busog lang un tummy ko 😅 iba iba nman kasi pg bubuntis ng isang babae my malaki my maliit. Twen mg papacheck up ako sa center pagan tanung ko un mid wife bakit maliit un tummy ko' lage sagot nya kung sexy ka nman nung dalaga ka at flat un tiyan mo nung. Tlaga maliit yan tummy mo. bsta ang importante my heartbet un baby mo at nagan galaw it's okay lang maliit. hintayin mo nlng un pg laki mga 7 or 8 months yan lalaki 😇
Đọc thêmWag pahilot. Lalo kung sa kapitbahay bahay lang, you dont wanna put your baby in danger sis. Meron talagang mga maliliit mag buntis lalo kung maliit na babae/petite/slim nung dalaga pa. Lalaki din yang tyan mo ganyan din ako during 2nd trimester di ako napapriority sa pila or seats pag dko pa sabhin na buntis ako kasi hindi halata. Haha sundin mo lng po ano ssbihin ng OB mo sya ang nakakaalam ano ang makabubuti sainyo ni baby 😊
Đọc thêmOk lang po yan! Pag mga 7-8months po hanggang sa manganak kana lalaki din po ang tiyan mo! Ako nga po 5-6months po parang di daw po ako buntis parang bilbil lang pero nagulat din sila kasi biglang laki! Saka minsan po talaga may times na lalaki at liliit ang tiyan pag buntis. Ako nga po hanggang ngayon may oras na lumiliit ang tiyan ko. Natural lang daw po yun, importante po gumagalaw si baby sa tiyan momshie at healthy po sya pag labas!
Đọc thêmno wag ka mag pa hilot ako ganyan na ganyan tyan ko maliit din sabi ng OB ko hindi pareparehas ang pag bubuntis maaring sa first baby mo maliit ka mag buntis kasi sakto lang dami ng tubig sa tyan mo. Pwede k naman mag pahilot pero sa marunong mag paanak. 😅 Kahit maliit tyan mo basta healthy si baby okay lang yan.
Đọc thêmsame lang tayo, 30weeks na nga akin. marami din na preggy na di malaki tyan magbuntis, lalo na 1st baby naten to tsaka siguro payat tayo kaya di totally mastretch yung tummy natin. paranoid din ako nung una, pero nagbasa basa naman ako okay naman yung maliit ang bump hehe basta okay si baby
Sana all maliit lang tummy 😍 Ako 21 weeks palang malaki na sya hahaha chubby din naman talaga ko before mabuntis so okay lang. Payat ka before kaya siguro ganyan. Okay lang yan as long as okay si baby sa ultrasound and sabi ng OB, you're good, nothing to worry. Wag na magpahilot.
Ako din galing raspa, d pa nakapag ultra, sabi ng manghihilot 4 padaw this month eh yung raspa kuh oct 14 pa tas d na aku nereregla, kumbaga nag tuloy² cya, maliit pa tiyan kuh parang bilbil lang din, next month pa aku magpapaultra. Baka naman may ma advice din kau sakin.
Mommy to be.Okey lang yang ganan.Hindi naman basehan ang laki at liit ng tummy natin sa pag bubuntis.Baka maliit nga yan pero purong bata.Hindi mo kailangan mag pahilot kase okey naman ang ultrasound mo.Ako ang laking mag buntis yun pala may bukol ako sa ovary ko kaya ganun.