VITAMINS, first time soon to be mom po.
Hello, 20wks na po ako. I used to take vitamins for a month now like APETITE OB, CALCIUM AIDE, saka FERROUS. As advised nung unang OB ko, since hirap kami sa byahe ngayon lumipat ako ng OB malapit samin. Nung chineck up nya ko, sabi ko wala naman kako akong iba na nararamdaman minsan lang po kako is parang sumasakit yung puson ko na parang sakit pag may menstruation pero mild lang. Sabi nya naninigas daw yung tyan ko. So ang ginawa nya pinatigil na nya vitamins ko, uminom nalang daw ako ng gatas kahit since rich in calcium naman daw yun and wag na ko bumili nung calcium aide patin apetite ob kasi okay naman daw ako kumain. Bali niresetahan nya ko ng gamot pag naninigas tyan ko, SOLVAPRINE 2X a day daw. Inumin ko daw pag naninigas tyan ko. Sabi ko doc kaya ko naman kako pag naninigas tyan ko nawawala din naman kasi agad pero nagreseta pa din sya. Tapos nag reseta din sya ng Drexabion once a day Capsule, yung ferrous pinatigil nya na din. Bali kung di ko ite-take yung sa paninigas ng tyan isang vitamins nalang mate-take ko. Okay lang po kaya iyon? Nag ask na ko sa una kong ob tru text pero wala pang sagot. Okay lang ba na itigil ko yung vitamins ko na iniinom ko talaga? Na experience nyo po ba yung ganito. Thank you po.