Tummy Tightening at 23 weeks
Kakagaling lang namin sa OB, kinonsult ko yung pagtighten ng tyan ko na hindi naman masakit. Minsan kasi parang banat na banat yung tyan ko at medyo matigas. Sabi nya labor na daw yun, iwasan ko daw himasin lagi kasi nagcocontract. Lagi ko pa naman hinihimas pag kinakausap ko sya at minamassage sa gabi. Nagduduvadilan naman na ko before pa, twice a day. Pero sabi nya pag tumitigas, inom daw ako para irelax yung muscles. Ako lang ba nakakaexperience nito at this early? Ano advice ni OB nyo mga mommy? Sabi kasi ng MIL ko may mga times daw talaga na tumitigas yung tyan.