Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Excited to become a mum
BREASTMILK
Hi mga mommies, looking po ako ng nag dodonate ng breastmilk. Around metro manila lang po, willing to pay po sa shipping via Lalamove po. Thanks po! ❤️
SSS MATERNITY BENEFITS
Hi mga mamsh, ask ko lang po employed po kasi ako sa isang company. So automatic po na yung makukuha ko sa mat1 ben. is papasok sa atm ko. Ito po questions ko, makukuha ko po ba yun kahit naka temporary yung status ko sa SSS? Salamat po
Hello 3rd Trimester! 👋
Now I'm in 7 months, 2 more months to go! 😅 My baby boy is now the size of "Cauliflower" ☘️ He's more active at midnight, he likes doing karates till 5am lol no kidding! Di ko na din alam ipwe-pwesto ko tuwing matutulog 😂 At nonstop craving na talaga. Konting tiis na lang haha 🥰❤️
NEED LEGAL ADVICE PARA SA MGA WORKING MOMS
Nag rerequest po kasi ako ng "work from home" sa company namen. Though andame ko na po pinakita sa kanila mga medical documents. Meron po kasi akong Subchorionic hematoma or internal bleeding 9 weeks na po ako. First advise saken ni OB 15 days bedrest. since last check up ko, sabe ni OB ko request ko daw sa company ko na mag Work from home ako (bpo) company po kaya normal po na may mga account samen na naka WFH. Pero sa contract ko po kasi after 6 months pa po pwede mag wfh, 4 months pa lang po ako sa new company na work ko. Pero sabe ni OB di ko daw po pwede i-risk ang pagbubuntis ko kasi maselan daw po at mababa po ang akin matress at may history na din po ako na nakunan ako sa 1st baby ko. From taguig to Moa, gabi gabi at araw araw ang byahe ko. Any advise po ano dapat ko gawin na request sa company? dapat po ba sa hr ako mag request? medical team ng company? kasi lagi sinasabe ng TL ko, hindi pa daw po ako pwede mag request ng wfh. Di po ako pwede mawalan ng work :( need help mga mommies!
Gamot sa sipon na pwede sa buntis?
7 weeks and 4 days preggy here, ang sobra po akong sinisipon ngayon. Baka meron po kayo pwede masuggest na gamot sa sipon na pwede sa preggy na pwede mabili over the counter or any remedy na effective at safe inumin. Thanks. First time mom here, by the way. But technically this is my 2nd baby, I have miscarriage last 3 years ago. So i should be careful when taking meds. 🙏😊
Light Spotting
Hi mga mommy, tanong ko Lang po sana Kung normal Lang po ba na magkaroon NG light spotting? Pinkish red po yung kulay NG blood, very light Lang naman po. 7 weeks pregnant pa Lang po ako ngayon. First time preggy, Kaya mejo nababahala Lang din po ako. Or Kung naexperience niyo din po ba na magka light spot kayo? Ano po Ang unang ginawa niyo? Or Kung nagpaconsult po kayo SA OB niyo ano po Ang sinabe sa inyo? Maraming salamat po SA mga sasagot.