Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mom of two beautiful girls
May 8,2020
Edd: May 10,2020 DOB: May 8,2020 Normal delivery Baby Girl ? Amara Louise Hi mga momsh ? Share ko lanh experience ko. May 8,2020 . 2:40am nagising ako . Wala pa naman ako nararamdaman basta ihing ihi ako tapos pagkaihi ko may white discharge na kasama . Tapos parang nagugutom ako .Kumain muna ako ng tinapay . Balik na ulit ako sa pagkakatulog ng parang natatae ako na kasamang paghilab . Inorasan ko every 2mins ung interval nya. So naisip ko na baka active labor na ako. Naglakad lakad ako mula 3am .pasakit na ng pasakit yung nararamdaman ko. 5:30am pumunta na kami ng lying in. Nung ina i.e ako 8cm na daw kaya konting lakad pa. 6 :27am lumabas na ang baby girl ko 2.8kls sya via normal delivery. Ang sarap ss feeling na nakaraos na ako. Maraming salamat sa apps na ito ang dami kong natutunan. By the way 3days akong uminom ng primerose 3x a day. Nakatulong din talaga sya kasi nung May 5 close cervix pa ko. Hehe . Sa mga aanak po dyan mga momshi more squats at lakad po para makaraos na din kayo. ??
38 weeks and 3 days
Mababa na po ba sya? Excited na ako makita ang 2nd baby girl ko. Pero no signs of labour pa din .Paninigas at pananakit lang ng singit nararamdaman ko. Edd ko ay May 10 sa ultrasound at May 12 sa lmp ko.
SAP
Katatanggap lang po namin ng ayuda sa DSWD SAP. Kaway kaway po sa mga nakatanggap na. ??
ANO DAPAT DALHIN SA PANGANGANAK?
Mga mamshie ano pong kailangang dalhin pag aanak na maliban sa gamit ng baby?Normal delivery po ako. Salamat po sa sasagot. ?
36 weeks and 4 days
Hi mga momsh. Mababa na po ba?