Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mom of Arius Gregor ?
Required Swab Test
Hi mga mamsh. Medyo nammroblema lang ako kasi required ang swab test sa lying in na pag aanakan ko. Manila area po ako. Sa chinese gen hosp ako magpapaswab test dapat kasi yun yung pinakamura dito at dun din ako nirefer ng ob sa lying in. 5K price pero pag may philhealth 1500+ na lang. Pero ngayon binalita na yung philhealth hindi muna magdiscount sa swab test dahil hindi pa raw sila nakakabayad ng mga utang etc. Tanong ko lang po kung baka may alam kayong ibang institution kung saan pwede mag pa swab test na makakaless. 5K is too much para sa swab test. Pandagdag bayad na rin yun para sa panganganak. 😓😢 38 weeks na po ako.
30 Weeks Pregnant
Hi mommies. Baka may same case po sa akin na mas maliit daw po ng 1 week si baby sa weeks nya dapat. Dinagdagan yung vits ko Moriamin Forte multivitamins with amino acids daw po. Nakabili na ako pero bukas ko pa sisimulan itake. Okay lang po kaya yun? Baka naman lumaki si baby masyado. Thanks in advance po. ☺
Ultrasound
Share ko lang po cas ultrasound ng 1st baby ko. I'm so happy na all is well at healthy sya. Ngayon lang nakapagpa utz due to ecq bukod sa transv nung 1st trim. God bless us all mommies. ❤
24 weeks pregnant
Hi. Di pa po ako nakapag folkow check up sa OB ko since March because of ECQ, sarado rin po ang clinic ng hospital na yun. Pero balak ko po sana mag pa ultra sound. Okay lang po ba yun kahit wala request ni doctor?
Birth Certificate
24 weeks preggy. Ask ko lang po sana kung paano magiging process ng birth cert ni baby. Kinasal po kasi kami ng husband ko nung March 28 this year. Wala pa po kami marriage contract. Ano po yung document na pwede namin ipresent para sa surname ni baby? Thank you po.
Prenatal Vitamins
23 weeks pregnant. Last check up ko po is February pa due to ECQ. Obimin Multivitamins and Folic Acid yung pina take sa akin nun. Hanggang ngayon po yun pa rin yung iniinom ko. Okay lang po ba yun na hindi pa updated vitamins ko? 1st time mom here. Thank you po sa mga sasagot. ??