Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Dreaming of becoming a parent
38 weeks and 4 days today, No signs of Labor and Close cervix parin.
Hellooooo! 38 weeks and 4 days na po ako ngayon. Na IE na din po ako, pero close cervix parin. No signs of labor. Puro paninigas at hilab lang ng tyan.. Umiinom po ako ng salabat, kumakain ng pinya. Nag ssquat and nag lalakad lakad din po. Any advice? Natatakot na po kasi ako baka sobrang lumaki pa si baby. Gusto ko po i normal and ayoko rin po ma overdue.. btw 1st baby ko po ito. Pls. Help Thank you.
Mataas / Mababa na tyan
Hello mga ma! May koneksyon po ba yung pagiging mababa / mataas ng tyan pag malapit kana manganak? Totoo po ba na kapag mataas pa tyan mo eh mahihirapan ka manganak and worst, pwede ma CS? 37 weeks and 1 day na po ako, sabi nila mataas pa raw tyan ko. Tagtag naman po ako sa mga gawaing bahay tsaka naglalakad lakad naman po ako 1 hour everyday.. nag ssquat din po ako. Any advice po? Huhu medyo nag woworry po kasi ako. Ayoko ma cs. 😔 mahal kasi. Thank you po.
Baby position.
Hello po. Mababa na po ba tyan ko? Tingin nyo po kaya naka position na si baby? Papa ultrasound palang po ako ulit next week.. nung 25 weeks preggy po ako sabi ni OB breech position daw po si baby. Ngayon po eh 36 weeks and 4 days na po ako. Thank you po.
Namamanas na paa.
Goodevening po. Totoo po ba na kapag namamanas na ang paa, eh malapit na daw po manganak? 36 weeks and 4 days na po kasi ako tapos namamanas na po sya. Thank you po.
Malaki po ba tyan ko?
Hello mamsh. 36 weeks and 4 days na po ako.. Super laki po ba ng tyan ko? May mga nagsasabi kasi super laki na daw po. Nag woworry ako. 😔 Pasagot naman po. Thank you.
Mataas pa po ba?
Hello mamsh. Mataas pa po ba tyan ko? 34 weeks and 6 days po. Any excercise po na marerecommend para bumaba pa si baby? Aside from walking. Thank you po.
Hello mamsh! Totoo po ba na kapag namamanas na ang paa, malapit ng manganak? Yun po kasi sinasabi ng mga tita ko eh. Since namananas na po paa ko.
Mababa na po ba?
Hi mamsh! 33 weeks and 6 days na po. Mababa na po ba? Thank you po
Delivery Date
Hello mamsh! Tanong ko lang po, Accurate po ba EDD sa UTZ? Nakalimutan ko po kasi LMP ko. Irregular po kasi menstruation ko, di po sya pareparehas na date dumadating pero every month po ako nagkakaron.. Basta po natatandaan ko katapusan ng September nag DO kami ng asawa ko, tapos by October po di na ko dinatnan.. Then nung nag pa check up po ako sa Center nung November 5,2020 8 weeks and 2 days na daw po akong buntis.. 1st utz ko po is nung 18 weeks preggy ako. Sabi po sa Utz is June 22-25 daw po EDD ko.. (Cephalic) 2nd utz ko po is at 25 weeks si baby (breech) June 22 daw po EDS ko. Ngayon po 32 weeks and 6 days na ko, Worried po ako masyado kasi di ko alam if breech parin si baby. Ayoko po ma cs. Short sa budget. Nagpahilot po ako. Tapos confused din po ako sa EDD ko baka May manganak na ko. Di pa ko prepared. 🥺 Pa help naman po. Salamat
How to turn a breech baby
Any advice po how to turn a breech baby? 31 weeks preggy here. Every night po ako nag ppray and kinakausap ko din si baby. #firstbaby #1stimemom