Venniegee Fernandez profile icon
Kim cươngKim cương

Venniegee Fernandez, Philippines

VIP Member

Giới thiệu Venniegee Fernandez

Momsy of beautiful korean like doll

Bài đăng(12)
Trả lời(29)
Bài viết(0)

LEAKING BOWL + 3DAYS INDUCE

MY BABYGIRL MANUELA VENICE EDD : LMP - JAN.2 / UTZ1 - JAN.4 / UTZ2 - JAN.26 DOB : DEC.21,2020 / 2.6KG / 38weeks SHARING MY STORY ( MEDYO MAHABA ) Last checkup ko is nung dec.16 nag request yung ob ko ng BPS utz since 37weeks nako. Dec.18 nagpa ultrasound nko at tinanong ako ng sono if may mga discharge naba ako. Sabi ko meron na minsan watery minsan parang jelly. Tapos sabi nya kasi yung panubigan ko is mababa na for 37weeks nasa 6.3cm nlg yung AFI ko, baka nag leleak daw yung bowl ko at delikado baka maubusan ng tubig sa loob yung baby. Sabi nya bantayan ko daw if may discharge akong clear at watery . Pagkauwi ko nag post pa nga ako dito sa TAP if may same case sakin na low normal yung amniotic fluid. Pagka gabe meron lumabas sakin na konting tubig. Kaya pumunta na kme agad ni partner sa emergency. Pagdating dun IE ako at 1cm plg daw. Kaya pinatulog muna ako sa ward. Kinabukasan pag IE ulit sakin nasa 1-2cm plg kaya nag decide nlg sila na i dextrox ako at i induce. 3days akong na induce pero hindi tumataas cm ko. Kung ano2 gamot na tinurok sakin stock lg ako sa 3cm. Sobrang sakit nung 3days na naconfine ako kasi kahit humihilab at sobrang sakit nararamdaman ko 3cm lg talaga ako. Akala ko mga i cs nlg ako kasi hindi bumababa si baby. Hanggang sa dec.21 sobra2 sakit ng puson ko nung 8am pag IE sakin naging 4cm ako. Pinakain ako ng lightsnack at balik sa labor room. 11am naging 7cm. 1pm naging 9cm na. Para sakin yung sakit is 10x na sakit ng normal labor siguro dahil sa mga gamot na tinurok sakin pampa induce sa loob ng 3days. At 2pm pinasok ako sa delivery room. 2:59 baby is out. Medyo matagal kasi hindi ko na kaya umire dahil hinanghina nako at walang lakas. Tinulungan lg ako ng mga doctor at nurse pra mailabas si baby. Gumamit sila ng parang tali at ginawa yung fundal push. Thankyou Lord at hindi nya kme pinabayaan. Kaya pala matagal bumaba si baby kasi cord coil seia. Sobrang hirap at sakit pero worth it lahat makita si baby. Kaya sa mga mommy dyan, kaya yan. Lakasan lg ang loob at manalig sa taas. Makakaraos din lahat ng preggy dyan. 💕 MERRY CHRISTMAS AND ADVANCE HAPPY NEWYEAR ❣ TEAMJANUARYNOMORE 😅😀

Đọc thêm
LEAKING BOWL + 3DAYS INDUCE
 profile icon
Viết phản hồi