Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Preggers
Your prayers will help me a lot, Mommies 🫶
Mga mommy, gusto ko lang po sana i-share ang pinagdadaanan namin ngayon at humingi ng prayers para sa baby ko. 🙏 Nag-bleed po ako noong 6 weeks pregnant ako. Dinala po ako agad sa hospital at sinabi ng doctors na sarado naman ang cervix ko. Para ma-reassure kami, binigyan nila ako ng request for transvaginal ultrasound. Pagpunta ko po sa OB ko, sinabi niya na wala pa pong heartbeat si baby. Dahil sa bleeding ko, niresetahan niya ako ng pampakapit at nagmedication po ako for 1 week. Pinabalik niya rin ako after 1 week para ulit magpa-transv at tignan kung may heartbeat na si baby. Pero after po ng follow-up ultrasound ko noong 7 weeks, sinabi na lumiit daw po si baby at wala pa rin talagang heartbeat. Sinabi ng doctor na posibleng may abnormalities kaya hindi siya nag-develop nang maayos. Niresetahan na rin po ako ng pampalambot ng cervix pero hindi ko pa po kayang tanggapin at mag-take ng gamot. Tatlong araw na po akong umiiyak at nagdadasal kay Lord na sana maghimala Siya at iligtas ang baby ko. Pumunta rin po ako sa church at ipinag-pray kami ng pastor. Hanggang ngayon po, umaasa at naniniwala pa rin ako na walang imposible sa Diyos. Bilang isang ina, gagawin talaga natin ang lahat para sa anak natin. 🤍 Sa mga mommies na may kapareho pong experience, sana po ay samahan niyo kami sa dasal para sa healthy development at kaligtasan ng baby ko. Malaking tulong at comfort po sa akin ang prayers ninyo. Maraming salamat po. 🙏🤍
sino po may same case katulad nito?
last week 6w5d and 0.86cm si baby no cardiac activity kaya inadvised ni Doc na bumalik ulit after 1 week. Nang bumalik kami (7w2d) still no cardiac activity si baby ang nakalagay din sa result 6w4d and 0.74cm na lang siya, bakit po kaya ganito? please paki-sagot po ako baka may same case po dito na mommy. thank you.
no cardiac activity si baby
hello mommies. normal lang bang hindi pa marinig heartbeat ni baby (6w5d) nagpa OB po si kami at wala pang nakikitang cardiac activity. pinababalik naman po ako next week for trans v para makita if may heartbeat na siya pero if wala daw baka hindi daw talaga nag develop. nagwoworry po ako, may same po bang situation sakin? ano po kayang maipapayo niyo, thanks po.
First time here, help po.
I just found out na buntis ako nung May 1 when I took the test for 4 times and it turned out na positive lahat ng test. Last mens ko pa is March 5 sabi sa pregnancy tracker ko I'm 8 weeks pregnant turning 9 sa Wednesday. Should I go to the OB na po ba para makita si baby? baka po kasi ending hindi makita heartbeat niya at masyado pang maaga at baka pabalikin ako sa mga susunod na araw. Thanks.