Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Queen bee of 2 fun loving little heart throb
kakadepress 😢
yung partner mong di maintindihan mood swings mo.. di marunong sumuyo pag nagtatampo ka.. di marunong makiramdam kung bat ka nagtatampo or nananahimik.. yung imbes na suyuin ka mas gusto pa nyang pumunta sa tropa at mag inom.. nakakasawa na.. gusto ko na talagang makipaghiwalay.. iniisip ko lang talaga yung mga bata.. nafefeel ko na din na nagsasawa na sya sakin.. maghapon magdamag na syang dutdut ng dutdut sa celfon, parang wala nga syang trabaho eh eh kase mas mahaba pa oras nya sa laro.. kakapagod .
palabas lang mga mamsh
nag away kami ng lip ko nung nakaraan.. maaga kami nagigising ng 1yr old lo ko tapos 4mis preggy ako ngayon, medyo nastress lang ako kay lo kasi iyak sya ng iyak kahit pinapadede ko naman.. wala kong nagawa hanggang tanghali.. nagluto ako at naghugas ng plato habang karga ko si lo.. habang si lip tulog hanggang tanghali.. hanggang nagising na sya.. di ko sya kinikibo dahil stress na stress ako.. naiyak pa nga ko dahil sa kakaiyak ng lo ko.. ngayon, napansin ni lip na di ako kumikibo.. tinanong nya ko kung may problema ba ko, sabi ko wala.. naapnsin ko na badtrip na sya.. nainis na sya kasi di pa rin ako kumikibo.. pinipilut nyang itanong kung anong problema.. tapos sinabi ko stress lang ako dahil ako lang mag isa gising at iyak ng iyak si lo at walang tumutulong sakin.. nagalit sya kasi ang dating sa kanya is sinasabi kong di nya ko tinutulungan.. hanggang sa nagbunganga na sya,kung ano ano na pinagsasabi nya.. sya daw nagtimpla ng dede ni lo ng alas kwatro ng umaga (mixed feeding si lo pero mas gusto nya bf pag gabi) hanggang sa namura na namin isa't isa.. sinabihan nya kong ang bobo kong kasama.. ganun.. ang sakin lang naman mga mamsh, di na nga lang ako kumino para walang away eh dba? tapos kung makapagbunganga sya parang wala syang kapitbahay.. umiyak na lang ako.. sya oang laging tama.. everytime na ivovoice out ko yung saloobin ko feeling nya mali yun at sya ang laging tama.. nakakapagpuyat sya kakalaro ng online games nya.. sabi pa nya katulong daw pala hanap ko, di ko masabing kaya nga tayo magpartner eh para nagtulungan tayo sa lahat dba? tumutulong ako kahit konti na rumaket pangdagdag gastos though di naman malaki kita ko, at least di na nya ko sinasabihan ng walang silbi pero parang ganun pa rin.. and everytime nannag aaway kami lagi nyang dinadamay yung pamilya ko.. sya kasi laging gumagastos sa pagkain.. fyi, never ko syang pinilit na bumili ng pagkain.. though pangalawang sweldo na nya na ako yung naghahawak ng pera nya( tinitipid ko para walang masabi) dati kase ayaw kong maghawak ng pera dhail lagi syang may issue sakin pagdating sa pera.. btw, kasama ko ung isang kapatid ko at mama ko.. hati sila sa bills.. bumibili naman sila minsan ng food dito pero ang mas napapansin nya is yung ginagastos nya which is walang pumipilit sa kanyang bumili.. at pag di naman ako bumili ng ulam sasabihan nya ko na lagi nlng akong nakaasa sa iba.. pati konting plato na pinagkainan ng kapatid ko issue sa kanya kahit hindi naman sya palaging naghuhugas.. sobrang minsan lang sya maghugas or tumutlong sa gawain sa bahay.. nababantayan nya yung 1yr old naming anak pero may 7yrs odl pa kami at may panganay pa ko na 12yrs old na nag aaral.. nagalit sya sakin nung pinagtanggol ko ung kapatid ko, feeling nya sya na yung bumubuhay sa pamilya ko dahil sya laging bumibili ng pagkain sa bahay.. pinapapili nya ko between my family and him.. di ako pumipili dahil pamilya ko sila kako.. na pag naghihiwalay kme, family ko yung laging sumasalo samin.. masyadong sarado utak nya.. wala namang ginagawang masama sa kanya yung family ko, ilang beses nya kaming iniwan at ilang beses din naman syang tinatanggap.. sobrang depressed na ko sa lahat.. sinabi ko naman na magbukod nlng kme pero ayaw ko sa family nya dahil ung mama nya harap harapan akong pinagsasabihan ng kung ano anong salita na nakakaoffend .. mabait namam sya eh kaso pag nagalit damay lahat
pwede ba magpaligate sa lying in?
pwede po kaya magpaligate sa lying in?
paano magfile ng RA 9262
mga mamsh pano po ba process nito at saan dapat pumunta? salamat po sa sasagot
work for preggy mom
baka po may masuggest kayong pwedeng work.. 7weeks preggy po.. pwede pong homebased para mas safe po.. salamat
tahi
mga mamsh sino po dito yung mga hindi tinahi? 3rd baby ko di ako tinahi kase maliit lang naman daw yung sugat.. maghiheal ba yun or parang magkakaron sya ng parang kuntil? di kaya pumuwag na pempem ko? hahaha.. baka kase mawalan na ng gana si mister pag maluwag na sya hahaha
Kalista Sidra
Just wanna share my experience po.. Nag pre-term labor ako nung 33weeks ako dahil sa uti.. Jan. 28 - Feb 2 ako naconfine.. Bed rest hanggang sa mag full term ako.. Feb.23 ng gabi nakakaramdam na ko sa konting paninigas ng tyan.. Tapos sobrang sakit ng ulo ko tsaka sikmura.. Pero sabi ko matagal pa yan.. Follow up check up ko ng feb24 pumunta ko ng mga 10am sa hospital.. Nacheck up ako ng mag 2pm na siguro 3-4cm na daw ako.. Papauwiin pa sana ako kaso malayo kami sa hospital kaya pina admit na ko.. Nainduce ako ng 3:30pm hanggang sa tuloy tuloy na yung pananakit.. 6:30pm sobrang sakit na talaga nya as in napapa ungol na ko sa sakit.. Tapos sinasabay ko na ung pag ire ko sa hilab.. Wala pa eing nagchecheck sa akin na ob.. 7pm nararamdaman ko na talagang lalabas na.. Sabi ng mga nurse matagal pa raw hanggang sa inire ko sya ng bongga pumutok na panubigan ko.. Sabi ko sa mga nurse andyan na yung ulo ramdam ko na talaga tapos tinakbo na nila ko sa DR.. Pinipigilan nila kong umire kaso ang hirap talaga pigilan.. Buti umabot pa ko sa table nila.. Isang malakas na push then tapos na agad.. 7:13pm lumabas si baby.. Super sarap sa feeling na nakuta mo syang nakamulat na at healthy ??? di sya umiyak pagkalabas.. Iiyak nlng sya pag gutom.. Sobrang happy ako na kahit lagi ako nagsspotting nung preggy wko, healthy pa rin sya.. By the way, wala po kaming binayaran sa hospital.. Kudos to Yorme Isko ?
due date..
san po ba talaga basehan ng EDD? sa first ultrasound ba? pano po ba bilang kase iba iba bilang ng mga ospital na napuntahan ko nung nag pre term labor ako..
home based mom
mga mamsh may alam po ba kayong legit na eloading for all network?? thanks po
Birth cert
good pm mga mamsh.. alam nyo po ba magkano kumuha ng PSA copy ng birth cert? mahal po sa online 330 pesos.. pag walk in po mura lang ba? thanks po