Kalista Sidra
Just wanna share my experience po.. Nag pre-term labor ako nung 33weeks ako dahil sa uti.. Jan. 28 - Feb 2 ako naconfine.. Bed rest hanggang sa mag full term ako.. Feb.23 ng gabi nakakaramdam na ko sa konting paninigas ng tyan.. Tapos sobrang sakit ng ulo ko tsaka sikmura.. Pero sabi ko matagal pa yan.. Follow up check up ko ng feb24 pumunta ko ng mga 10am sa hospital.. Nacheck up ako ng mag 2pm na siguro 3-4cm na daw ako.. Papauwiin pa sana ako kaso malayo kami sa hospital kaya pina admit na ko.. Nainduce ako ng 3:30pm hanggang sa tuloy tuloy na yung pananakit.. 6:30pm sobrang sakit na talaga nya as in napapa ungol na ko sa sakit.. Tapos sinasabay ko na ung pag ire ko sa hilab.. Wala pa eing nagchecheck sa akin na ob.. 7pm nararamdaman ko na talagang lalabas na.. Sabi ng mga nurse matagal pa raw hanggang sa inire ko sya ng bongga pumutok na panubigan ko.. Sabi ko sa mga nurse andyan na yung ulo ramdam ko na talaga tapos tinakbo na nila ko sa DR.. Pinipigilan nila kong umire kaso ang hirap talaga pigilan.. Buti umabot pa ko sa table nila.. Isang malakas na push then tapos na agad.. 7:13pm lumabas si baby.. Super sarap sa feeling na nakuta mo syang nakamulat na at healthy ??? di sya umiyak pagkalabas.. Iiyak nlng sya pag gutom.. Sobrang happy ako na kahit lagi ako nagsspotting nung preggy wko, healthy pa rin sya.. By the way, wala po kaming binayaran sa hospital.. Kudos to Yorme Isko ?
Queen bee of 2 fun loving little heart throb