Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Proud Mother of 2 (11y/o & 3 mons. old)
fever dahil sa pagngingipin possible po ba?
Sino po sa inyo nilalagnat ang anak habang natubo ngipin,pang anim na po sa anak ko. Umaabot sa 38.5 body temp nya lowest is 37. Nagwoworry po ako kasi taas baba. D naman siya nagtatae. Nakakadede siya pero tamlay.Pinapainom ko na ng calpol. Wala pa po 24 hrs. na may lagnat siya. Ilang days po kaya natagal ang lagnat kung halimbawa ay dahil sa pagngingipin nga? Thank you sa sasagot
home remedy
Nagkasipon po 8 months old baby ko, running at clear kaya hindi naman ako nahirapan kasi kusang nalabas.Dineretso ko lang vitamins at pinapainom siya tubig. Kaso after 2 days naubo ubo na. Sino po nakapagbigay ng oregano? 7(may tanim po kami) paano po preparation nun?
baby constipated
Sanay po ang baby ko araw araw mag poop pero sa araw na ito hindi pa, kaya maiyak sya at ilang beses na nag aattempt iri lang ng iri. Na try ko na po massage and warm bath pero hindi pa din. Formula feed po siya. Simula pagkapanganak ngayon lang sya nag constipate. Sino po sa inyo ang nakagamit na ng infant suppository? Ok na po ba sa 4 months 22 days? Or mag intay na lang ako baka sakali mag poop din sya kasi 1 araw pa lang bale di sya nag poop? Thank you po sa sasagot.
Ligation
Meron po sa inyo nagpa ligate na pero nabuntis pa din?
baby wipes
Sa nakaka alam, ang wet wipes po ba pag expired na ay nakaka cause ng rashes? May nabasa kasi ako ok lang pero sinisisi ko sarili ko kasi d ko nacheck expiration. At gusto ko din sana ireklamo online store na binilhan ko if ever. D ko sure kung sa diaper or sa wipes,pero madalas ako magpalit ng diaper agad para nga d magka rashes.
Breastfeeding
Sino po sa inyo nag relactate? Ano po ginawa nyo para lumakas ulit and mga gaano katagal po kaya?
anti-mosquito bites
Ano pong brand ng mosquito patch ang safe and effective para sa babies? and repellant lotion para naman sa kids na ginagamit nyo?
CS and formula feeding
CS and formula feeding. Ilang weeks or month/s kayo nagkameron ulit ng menstruation? Not usual po ba like nung dati nyo? gaya sakin parang 2nd day (heavy flow) lagi kahit pa 4th day na.
Pre and Post-eclampsia
Sino po ang nakaranas na tumataas ang BP nung naglelabor na at after manganak? (like 140/90 to 160-90) Ang hirap on my part kasi sa monthly check-up ko lahat ok naman. Ang masakit pa yong gustong gusto mo mag breastfeed pero may iniinom ka na gamot to control High blood pressure.
burp
Talaga po ba dapat every feeding thru bottle si baby ay ipapaburp?Feeling ko kasi d siya comfortable pagtulog tapos parang nahilik siya. Challenging magpa burp lalo na newborn ?