Sherlyn Umali profile icon
VàngVàng

Sherlyn Umali, Philippines

Contributor

Giới thiệu Sherlyn Umali

Excited to become a mum

Bài đăng(12)
Trả lời(9)
Bài viết(0)

From Normal To CS Delivery

EDD: 9/22/20 DOB: 9/14/2020 @11:21PM Hi! My Little Explorer "Waiian Coln U. Eco" ♥ I just want to thank God na safe kaming dalawa ng BB ko, syempre sa mga tumulong about sa financially since biglaang CS Del ako. And also, sa Family namin from both sides. Just wanted to share my experience. Sept 14 ng umaga naglalakad lakad ako kasi kabuwanan ko na nga at nung huling check up ko is 2-3CM palang ako but nitong naglalakad lakad ako nito masakit at matigas na talaga ung tyan ko bago ako pa ko magstart na maglakad. Nagawa ko pang kumaen ng hopia habang naglalakad. Pagkauwi ko ng bahay if im not mistaken, mga 7:45AM. Di na nawala ung sakit ng tyan ko then nag CR ako, pagkakita ko sa wiwi may something red tas pinabayaan kasi kakaCR lang din ng kapatid ko that time na "red day" niya kaya inassume ko na baka kanya un at di lang nabuhusan ng maayos ung sahig saka inidoro. Mga 8AM, di ko na talaga kaya sakit ng tyan ko. Tinanong ko na mama ko, then sabi nya baka naglalabor na ko. Nagpunta kami sa OB ko, then sabi nya 4-5CM na ko then try ko dw bumalik mga hapon. Then nagstay kami sa bahay, palakad lakad ako at grabe ung sakit ng tyan ko tapos papasok ako ng CR para umihi then grabe na ung dugo sa underwear ko na parang may regla na. Hanggang sa mga 2PM, di ko na talaga kaya ni makatayo/makalakad di ko na magawa then dinala ulit ako dun sa LYING IN ng asawa ko sa OB then upon checking 5-6CM palang ang naisip na paraan ng OB, turukan ako ng pampabilis daw na pang open ng dilation kasi mabagal daw mag open ung cervix ko? If tama pa ko ng nadidinig that time 😂. Then ayun nga, ininject na sakin at after an hour nag 8-9CM na ko at good for del na daw. 7PM nagsimula ang pahirapang pang ire, then sa sobrang hirap niya ilabas dahil possible daw na ung balikat ung di makadaan sa daanan ko. 9:40PM na, hindi parin nalalabas si BB pero kita na ung ulunan nya sakin sadyang yung balikat daw ang problema at nangangamba na ung OB ko kasi baka daw maubusan na ng hangin sa utak ung bata. Kaya pinasign nya ng waiver ung asawa ko if payag syang iCS na ko. 10:20PM na nailipat na ko sa HOSPITAL, kung san ako iCCS, sa dami dami ng waiver na pinirmahan ng asawa ko nadala din ako sa del room. TBH, gising ako nung inooperahan pero di ko nakita kung pano nila kinuha sa tyan ko si BB, tapos ung isang doctor kinalabit ako. Ito na BB mo, halos maiyak ako kasi di na sya umiiyak kahit anong gawing pitik o palo sa kanya tas dagdag pa nung doc nakakaen na daw ng popo ung BB ko. Sabi ko, kaya nya yan doc. Kaya nya yan. Mayamaya, umiyak din sya ♥. Halos, 3days din ako sa hospital. Ayun, nagpapasalamat ako sa Diyos, Safe kami at di nya kami pinabayaan. Sa lahat ng tumulong samin para makalabas ng hospital. Sa asawa kong kahit halos wala ng tulog sa pag aasikaso nun, positive parin talaga mag isip. Dagdag ko na din dito, Ano ano ba ang bawal at pwede sa mga naCS? Bukod sa bawal magbuhat ng mabibigat at gawaing mabigat.

Đọc thêm
From Normal To CS Delivery
 profile icon
Viết phản hồi

Well Care Lying In

Hello po mga kamommy's! Share ko po ung experience ko kahapon. Check up day ko since 38 weeks na ko need na talaga ung every week na PNC para makasiguro. Then, IE scene na. Sabi ba naman nung isang midwife buhok na daw ni BB ung nakakapa nya e, 1-2CM palang daw ako then pina-IE nya rin dun sa isa pa nyang nakaduty para makasure na un nga ung nakakapa nila. Ang conclusion nila, ulo at buhok na daw ung ng bata. Tapos panay tanong sila sakin kung ano oras pumutok ung panubigan. Sabi ko, walang ganung eksena sakin kaya di ko din sila masagot talaga, tas sabi nila need na daw ako sa hospital na magpunta kasi nga di daw normal ung ako mismo di ko alam na pumutok ung panibugan ko. Nirerecommend nila ko sa private partner hospital nila kaso di kakayanin mg badget na halos 40k+ kapag naCS ako. Kaya naluluha na ko nun kasi FTM ko, tas ganun ni hindi ko alam na pumutok ung panubigan ko. At that time, 3.1grams si BB. Then buti kasama ko ung husband ko sinabi ko kanya ung sinabi nung mga midwife while hodling thr referral form galing sakanila. Sabi ng husband ko, totoo ba? Lalabas na si BB? Sabi ko, hindi ko alam kasi wala talaga ako naramdam. Tas umuwi kami, sinama namin si mama, pati tuloy mama ko nataranta. Kasi pag usapang panubigan daw baka di na makahinga ung bata. Napapad kami ng RMC kaso punuan kapag siniksik namin ung sarili namin dun possible na maihalo ako sa mga covid+. So taxi again, PCGH naman pinuntahan namin, punuan din sakanila tapos may mga ward daw sa pregnant area na PUI, hindi na ko pinaakyat ni mama kasi mahirap na. Tas nakatitig sakin si mama, mataas pa naman daw kc ung tyan ko tapos nakakalakad at ni hindi nga daw nya makitang namimilipit ako sa sakit. Kaya sabi ni mama, magpa2nd opinon kami. Then, ayun. Nakahanap kami ng hospital lying in clinic na open pa para sa PNC. Chineck nila ko dun, syempre IE talaga ung gusto ko na gawin sakin para malaman kung un nga talaga ung nakakapa. Sabi ng OB, OB mismo nag IE sakin. Wala daw sya nakakapa na gaya ng nasa kwento ko. Kasi madulas daw, kapag buhok daw ang nakakapa sa cervix-magaspang dapat. Nakahinga ako ng malalim, tas mejo naluha ako kasi Ok ung BB ko. Tas binigayan nya ko referral form para makasure at di dw ako mangamba tungkol sa panubigan. MagpaBPS daw ako. Kasi may pasyente pa sya that time kaya di din sya pede magtagal. And today, ayun. Nakuha ko nga agad ung result dun sa clinic na binigay ni OB. At ang saya ko na, normal ung panibugan o amniotic fluid nya. Pinakita pa sakin dun na ok naman si BB, parang nagko-close open kanina habang inu-ultrasound ako. Kaya ayun, chinat ng husband ko ung well care clinic. At pinakita ung result. Ang sagot nila " buti naman po" tas ang balak sana ni husband dun parin ako manganak kasi malapit lng dito samin. Para kasi sakin, wag na. Sa iba na lang kasi, dun palang sa pagkakamali na yun mawawalan ka ng tiwala. Then, ito pa ng makita nila sa result ngayon na 3.5grms na si BB, parang nagdadalawang isip sila na tanggapin ako ulit. Feels ko sa chat nila. Kapag ba 3grams+ na si BB, need na ba iCS? Tingin ko kasi takot sila maghandle ng halos ganun na ung weight. Pero sabi naman ng OB na kausap ko kanina, hindi dw literally na 3.5 ang BB ko kasi nakalutang pa daw sya sa tubig.

Đọc thêm
 profile icon
Viết phản hồi