Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Alisander ♥️
Resignation after maternity leave
Hello po mommies ? Ask ko lang po kung may same case po ako dito na kailangan mag resign sa trabaho kasi wala mag aalaga kay baby. Sa March 10 po ang end ng maternity leave ko. Tanong ko lang po kung pwede ba mag resign agad pag tapos ng maternity leave? May same case po ba ako dito? 4 years and 7 months po ako sa trabaho may makukuha po kaya akong final pay? Salamat po mommies.
♥️
Meron po bang nabubuntis agad kahit mataba na po? Yung katrabaho ko po kasi sinasabi na baka mahirapan ako mabuntis ulit kasi mataba po ako. Mas tumaba po ako nung nanganak ako sa 1st baby ko. Ayoko naman pong 1 lang anak ko. ☹️
CS mom
4 days old baby boy CS Mga moms sino pong mga CS dito? Nung Nov 28 nilinis at nilagyan po ng tegaderm yung tahi ko. Nagtatanong po ako sa ob kung paano ko lilinisin tahi ko at kung tatanggalin naba yung tegaderm wala po siyang reply e. Nagtanong ako sa ibang nag ganun after 1 week daw pinatanggal ng OB nila. Sa inyo po ba? Please enlighten me po FTM po ako di ko alam gagawin tapos naka confine pa baby ko. ☹
Sharing my birth story ??
EDD Dec 18, 2019 DOB November 27, 2019 3kls via CS Hello team december, ako po yung laging nag popost dito hehe. Nov 26 ng tanghali nagtataka ako kasi mejo mamasa masa yung pempem ko. Hanggang 7 pm di nako mapakali kasi parang kada dukot ko basa kaya tinext ko na OB ko, sakto check up ko kinabukasan magpakuha na muna daw ako ng ihi. Until 11pm tinext ko OB ko kasi di na ko mapakali ayun magpa admit na daw ako. Pagdating ng hospital lumakas na tagas ng water bag ko kaso breech parin talaga si baby kaya CS na talaga ako. Buti nalang sakto 37 weeks na si baby. Kabado talaga ako kasi 6am daw agad agad kasi di ako prepared basa pa mga damit ni baby. Tsaka emotionally dipa ko ready talaga todo nginig ako sa OR dasal ako ng dasal ang bilis kasi narinig ko nalang iyak ni baby. ? Meet our baby Alisander ?❤
36 weeks
Hello po mga moms, FTM to be po ako. Nasakit po yung tyan ko pero nauutot po pero masakit po yung tyan ko na mejo matagal po buong tyan gang puson. Sign of labor na po ba pag ganito? Salamat po sa sasagot.
Abdominal Circumference
Hello mommies, may same case po ba ako rito na maliit AC ni baby compared sa week niya? 34 weeks na kasi si baby pero yung Abdominal Circumference(AC) niya e pang 32 weeks lang. ☹ Ano pong ginawa niyo?
34 weeks pregnant FTM Hello mommies, may same case po ba ako rito na maliit AC ni baby compared sa week niya? 34 weeks na kasi si baby pero yung Abdominal Circumference(AC) niya e pang 32 weeks lang. ☹ Ano pong ginawa niyo?
SSS Sickness Notification
32 weeks pregnant Tanong ko lang po mga moms nagpasa kasi ako ng SSS Sickness Notification kasi naka early leave nako. Okay lang kaya na hindi updated yung ultrasound na pinasa ko? october 9 yung date tapos october 23 naman yung sss form ko. Thanks po
Nuchal Translucency
27weeks pregnant Hi mga moms ask ko lang po kung may nakalagay na sukat ng Nuchal Translucency sa mga ultrasound niyo lalo na nung first trimester. Yung ka work ko kasi same OB kami yung kanya may nakalagay at as per OB daw pag lumagpas ng 3cm yun possible na may down syndrome yung baby. Worried lang ako wala kasi nakalagay na sukat yung akin. Salamat po
BABY MOVEMENT
24 weeks and 5 days pregnant Mga moms normal lang po ba na di masyado malikot si baby sa loob? Pansin ko po kasi yung ibang kasabayan ko kalikot na ng mga baby nila worried po ako. First time mom po.