Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Soon to be Nanay
Highblood @ 33 weeks
Hi mommies, ask ko lang sino dito ung may highblood tapos namaintain naman at 120/80 ung bp nung previous months pero ngayong 8th month, lagi na sya 140/100. Ano mga pwedeng gawin? Baka kasi nasstress na ang baby ko at ayaw ko din maCS. Meron po akong maintenance, methyldopa, ginawa nang 3x a day ni OB today lang. Salamat sa makakasagot. ☺️
Raspberry Leaf Tea
Hello po mga mommies, ask ko lang sino dito ang nainom or uminom ng Raspberry Leaf Tea? Nabasa at napanuod ko kasi maganda daw sya para mastrengthen ung cervix pag maglalabor na pero di naman talaga sya totally nakakainduce ng labor. Napanuod ko din sa tiktok ☺️ Ilang weeks po kayo nung uminom kayo non? Salamat po sa mga sasagot.
Diagnosed with Chronic Hypertension
Hello po mga mommies. Sino po dito ung diagnosed with Chronic Hypertension pero nagnormal delivery? 29 years old. 27 weeks pregnant (1st baby) sa baby boy and meron na po talaga akong hypertension before pa magbuntis. Nagmmaintenance na po talaga ko dati pa. Nung una ko pong pacheck, 150/100 ung BP then ngayon nag 120/80 or 130/80 na sya. Paminsan minsan nataas pero bihira na mag 140/100. Twice a day ako nagttake ng Methyldopa and once a day Aspirin. Ayaw ko po sana maCS. Anyone po na same sakin pero nagnormal delivery and any tips po? ☺️ December 15 po due ko based sa Ultrasound. Salamat po.
Anong pong food or medicine para di maging constipated?
Hi po mga mommies, 24 weeks pregnant here. Ask lang po kung ano magandang inumin o kainin para lumambot ang dumi? Madami naman ako magtubig at nagpprutas din pero lagi padin matigas ang dumi ko. Kahapon sa sobrang tigas nya, antagal nyang stuck sa pwet ko at pagkatapos nagkaroon na ng konting dugo. Para ding may sugat sa loob na di naghheal kasi laging nasscratch. Pahelp naman po. Salamat