Laging gutom pero walang gana kumain. Food aversion?
Hello mga mommies. I’m currently on my 11th week of pregnancy. (2nd pregnancy ko na to). Sa unang baby ko, hindi naman ako ganito. Na laging gutom, walang gana kumain. Or kung magutom man ako, talagang marami akong naka kain. Pero ngayon sa 2nd pregnancy ko, napansin ko, always akong gutom. Like super. Kahit kakakain lang ganon. (Pero hindi po ako inu-ulcer ha). Kaso ang problema. Sobrang gutom nga ako, pero kapag nandyan na yung pagkain eh wala naman akong gana kumain. O di kaya, konti lang kakainin ko. ☹️ Hindi naman din ako nag susuka, feeling ko lang nasusuka ako. Pero nakaka kain naman ako ng kahit ano. Sadyang ito lang talaga, wala akong gana. Para bang mata ko lang yung nagtatakaw. Pero pag nahain na, ayaw ko naman. At mas lalo akong nagugutom, after ko mag take ng folic acid. 🤧🥲 May naka experience na ba ng ganito? Food aversion? Ano ginagawa niyo pag ganon?
Đọc thêm