AYAW MO BANG LUMAKING PIHIKAN SA PAGKAIN ANG BABY MO? KUNG OO, BASAHIN MO 'TO... note: For recipes on complementary feeding, you can join Breastfeeding Pinays and Healthy Baby Food Ideas Philippines. ? Source/Credits : https://www.facebook.com/mommyvanph/ "COMPLEMENTARY FEEDING GUIDELINES" ♧ Pagpatak ng 6th month ni baby o kapag ready na siyang kumain ng solids, pwede na niyang kainin ang lahat ng gulay sa bahay kubo MALIBAN SA MANI. Anumang gulay na hindi nabanggit sa bahay kubo ay pwede na rin niyang kainin katulad ng ampalaya, malunggay, talbos ng kamote, etc. Hindi nirerekomenda ang mani dahil mataas ang allergen nito. Ibig sabihin, malaki ang chance na magka-allergy si baby dito. ♧ Ang pagkain naman ng APPLE o iba pang prutas na tumutubo lang sa ibang bansa ay inirerekomendang kainin kapag 5years old na. Ito ay dahil nilalagyan ito ng chemical para mapanatiling fresh kahit abutin pa ng 3-5 araw bago ito dumating dito sa atin. ♧ LOCALLY GROWN FRUITS ang inirerekomendang ipakain sa mga bata o yung mga pagkain na dito lang sa atin tumutubo. Halimbawa ay avocado, saging, mangga, at iba pa. "Avocado by the way is a great first food because it is a brain food" ♧ Ang kanin ay pwede na sa 6months and above. Mas mainam kung lugaw lugaw muna na may halong gulay (walang pampalasa hanggang 1year old). ♧ MASHED ang inirerekomendang gawin sa pagkain at HINDI PUREE. Dapat kasi ay may texture ang pagkain para matuto si baby na ngumuya. Ang pagnguya ay paghahanda rin sa pagsasalita ng bata. ♧ HINDI INIREREKOMENDA ang anumang pampalasa tulad ng asin, toyo, vetsin, at iba pa kapag wala pang isang taon ang bata. Ito ay dahil mahihirapan ang kidneys niya na salain ang sobrang alat. ♧ HINDI INIREREKOMENDA ang asukal kapag wala pang 1 year old ang bata dahil mas tataas ang chance ng pagkakaroon niya ng diabetes. ♧ Ang karne, isda, at itlog ay dine-delay HANGGANG 2YEARS OLD dahil mahirap tunawin ang karne at mataas naman ang allergen ng itlog. Kung gustong pakainin ng itlog ang batang wala pang 2years old, ang ibigay lang ay ang egg yolk dahil mataas ang allergen ng egg white. ♧ Ang mga processed food, ready to eat food o instant food ay hindi inirerekomendang kainin. ♧ Ang biscuit at mga ready-to-eat food ay itinuturing na junk food dahil sa mataas na sugar content at preservatives. ♧ NO HONEY below 1 year old dahil sa pangamba ng infant botulism, isang delikadong sakit na maaaring ikapahamak ng mga bata SOURCE: BREASTFEEDING PINAYS Article on Honey and Infant Botulism: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=264987450791522&id=216185339005067 DISCLAIMER: This is just a guide. Kayo pa rin ang masusunod pagdating sa mga anak ninyo. "YOUR CHILD, YOUR RULES" ? For recipes on complementary feeding, you can join Breastfeeding Pinays and Healthy Baby Food Ideas Philippines. ? Source: https://www.facebook.com/mommyvanph/
Đọc thêm