Sharing is Caring
For Your Reference Mommies: 0 to 6 months: - Hindi kailangan ang tubig dahil ang breastmilk maging ang formula milk ay 88% na tubig. - Hindi recommended ang pagbibigay ng solid food dahil hindi pa mature ang digestive system ng babies. - 1 to 1.5oz per hour ang rule sa pagbibigay ng breastmilk na nasa bote. 6months: - Pwede na ang tubig at solid food. Pakonti konting tubig lang muna at patikim tikim ng solid food. Mainam ang avocado bilang first food dahil brain food ito. Kung walang avocado, pwede naman ang sayote, kalabasa, o kahit anong gulay na nasa bahay kubo (MALIBAN SA MANI) at prutas na locally-grown o dito tumubo sa atin. 6 months to 1 year: - Breastmilk pa rin ang main source of nutrition ni baby. Alalay lang ang solid food. - Sundin ang 1 to 1.5oz per hour rule sa pagbibigay ng breastmilk kung sa bote iniinom ni baby. 1 year onwards: - Solid food na ang main source of nutrition ni baby kaya kahit hindi na sundin ang 1-1.5oz per hour rule. - Mainam pa rin kung itutuloy ang pagpapabreastfeed sa bata. Tungkol sa Pagdumi: - Below 6weeks, kailangang araw-araw dumumi si baby. - 6 weeks pataas hanggang 6 months (walang solid food na kinakain), normal lang na hindi siya dumumi araw araw dahil mabilis matunaw ang breastmilk at mabilis maabsorb ng katawan. - Kapag hirap dumumi si baby, gawin ang I Love You Massage o Bicycle Exercise. Tungkol sa Paglungad: - Normal lang ang paglungad kapag 6months pababa si baby dahil hindi pa mature ang digestive system niya. - Padighayin si baby kada pagkatapos sumuso at maghintay muna ng ilang minuto bago siya ihiga. - Kahit dumighay si baby, may posibilidad pa rin na lumungad siya. - Kapag lumungad ng nakahiga, ipatagilid si baby hanggang sa lumabas ang gatas sa gilid ng bibig niya. - Normal ang lungad pero hindi ang suka (vomit). Kapag panay suka ni baby, kumonsulta na sa doktor. Tungkol sa Vitamins: - Hindi kailangan ang vitamins kung wala namang vitamins deficiency na makikita sa blood test ni baby. ctto .