Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
First time mom
Playtime sleeping
Sino pa ang gising at nagpapatulog ng mga baby nila.? Yung baby ko hinehele ko tinititigan ko nakapikit ang mata tapos tumingin lng ako sa gilid saglit pagtingin ko sa kanya nakita ko mulat then biglang pinikit yung mata. Hahaha kahit antok na antok matatawa ka na lang e.😂
Baby poops
Mga momsh talaga bang ganun sa baby pag naire parang nahihirapan at akala mo ay tibi yung poops nya?
WORTH IT
Yung ang sakit na ng nipple mo habang nagpapadede tapos pag tingin mo sa baby mo nakangiti ng bonggang bongga na parang nangaasar. Hahaha. Hindi mo na maiisip yung sakit kasi mapapangiti ka na din.😍
Confused sa due date
Based sa: LMP: Oct. 16 1st UTZ: Oct. 11 2nd UTZ/BPS: Nov. 3 Mga momsh tanong ko lang nalilito kasi ako sa edd ko. Alin ba ang dapat sundin? Pag sa 1st ultrasound going 39weeks na ako tapos sa 2nd 35 weeks pa lang. Ini e na din ako last week kasi base sa unang utz ay 38wks two times na parehas close pa din. Thank you po😊 FTM sa baby boy.
Rashes
Normal po na nagkakaroon ng rashes ang buntis? Simula sa tyan pababa hanggang binti. Medyo makati di pero di ko na kinakamot. Salamat po.
Body painssss
Mga mamsh normal lang ba ang lower at upper back pain ? Tapos sa balakang at beywang masakit din parang ngalay na ngalay ang pakiramdam pag iniistretch medyo nalelessen yung ngalay. Pati yung kamay at paa ko nangingimi din. Parang matandang matanda ang pakiramdam ko e, hehe . TIA
34weeks and 2 days
Mababa na po ba? Thank you po!☺️
Maliit pa ba?
33 weeks and counting. Medyo nakakaramdam na din ng pananakit ng balakang at likod. 😊
Maliit na tyan
33weeks and 2 days. Laging sinasabihan na maliit ang tyan. 😂