Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Nagtatae si Baby
Mga Momsh, advice po. 4 days ng nagtatae si baby ko 4x a day. Hindi naman po sya malamya, malakas din dumede. 3 months po sya.
PART TIME JOB
Mga Mamsh, baka may alam kayong part time na sa bahay lang. Kahit for 1 or 2 months lang 😞
Mga Mi HELP
Kusa po bang matatanggal to o pwede may ipahid?
PUSOD NI BABY
Mga Mamsh, paano nyo po nililinis ang pusod ni baby? Normal po ba to?
Mahapdi padin ang kipay
Mga Mi, ask ko lang po meron ba dito na same saken? Bandang tahi may times na nasakit padin at mahapdi. 1 1/2 month na simula nung nanganak ako. Nung tinignan ko parang may bukol na maliit 😞
Yellow Green Discharge
Hi mga Momsh. Wala na pong dugo na nalabas saken, 3 weeks after manganak. Pero araw araw ako g may yellow green discharge at ang sakit din po pag umiihi. Nag try ako uminom ng antibiotic na Cefuruxime, yan yung nirecommend ni Doc after ko ma discharge sa hospital. Minsan sobrang sakit nya, nakakairita. I know may infection na. May same case kaya saken dito?
Tahi sa Pempem
Mga Mi, may umusling sinulid sa kipay ko kaya ginupit ko po sya. Hindi naman po mahila lahat. Normal lang po ba to? Di naman masakit sa kips. Dec 10 po ako nanganak
Palaging nabubulunan si Baby
Si Baby po parang laging nabubulunan kahit tulog bigla pong mabubulunan na parang masusuka. Naglalaway din po sya minsan yung bubbles na laway sa ibabaw ng lips nya. Normal lang po ba yun?
GUILTY kasi nag painless
Hi mga Mamsh, nanganak na ko pero from public napunta kami sa private kasi hindi ko kinaya yung hilab ng pag llabor. 2cm pa lang ako pero halos dina ko makatayo at makausap sa sobrang sakit. Hindi ko inaasahan na ganon sya kaagad kasakit, since yung ibang nakikita ko 3-4cm na pero parang wala lang. Na gguilty ako kasi 80k+ yung naging bill namin, na kung tutuosin magkano lang sana kung sa public. Na kung kinaya at tiniis ko happy happy sana ang christmas at di kami gaano nganga financially. Tho, sabi naman ni hubby ko na wag ng isipin yun at kikitain din naman. Di padin mawala sa isip ko 😞 Naiisip ko din naman na kung pinilit kong mag public baka magalit sakin mga doctor sa sobeang ingay ko. Tsaka diko kaya na iire tas mararamdaman ko pa yung hiwa at tahi. Gusto ko lang magvent out. Naaawa kasi ako kay hubby, dami naming gastos. Hindi pa ko makatulong kasi naubos na mat ben ko. Hays
Postpartum Depression
Mga Mamsh, 1 week pa lang akong nakapanganak pero gabi gabi akong umiiyak 😭 kahit sa maliliit lang na bagay. Maski pag alis ng hubby ko, titigan ko lang yung baby ko tapos ngingisi sya naiiyak na ko 😭 simpleng pagpapatugtog ng you are my sunshine. Todo support naman po saken si hubby. Hangga't maaari ginagawa nya lahat para diko maramdaman yun. Pero eto ako ngayon umiiyak nanaman 😞 yung umaagos yung luha bigla bigla. Ang hirap mga Mi 😭😭😭