GUILTY kasi nag painless

Hi mga Mamsh, nanganak na ko pero from public napunta kami sa private kasi hindi ko kinaya yung hilab ng pag llabor. 2cm pa lang ako pero halos dina ko makatayo at makausap sa sobrang sakit. Hindi ko inaasahan na ganon sya kaagad kasakit, since yung ibang nakikita ko 3-4cm na pero parang wala lang. Na gguilty ako kasi 80k+ yung naging bill namin, na kung tutuosin magkano lang sana kung sa public. Na kung kinaya at tiniis ko happy happy sana ang christmas at di kami gaano nganga financially. Tho, sabi naman ni hubby ko na wag ng isipin yun at kikitain din naman. Di padin mawala sa isip ko 😞 Naiisip ko din naman na kung pinilit kong mag public baka magalit sakin mga doctor sa sobeang ingay ko. Tsaka diko kaya na iire tas mararamdaman ko pa yung hiwa at tahi. Gusto ko lang magvent out. Naaawa kasi ako kay hubby, dami naming gastos. Hindi pa ko makatulong kasi naubos na mat ben ko. Hays

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

oki lang yan mii ang mahalaga safe kayo ni baby.. nung nanganak ako gusto ko din mag pa painless kasi diko talaga inexpect yung sakit ng induce 😂 x10 pala yung sakit kesa sa normal labor lang at halos himatayin nako non sa sobrang sakit gusto ko na mag pa painless non kaso bigla ko naisip gastos kaya ayon tiniis ko nalang nanganak lang din ako nang mabilis 😂

Đọc thêm
2y trước

yung pa nga Mii hahaha wala pa kong induce non. Paano pa pag na induce? Jusko hahaha