Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Hoping for a child
Pagkain para sa 1yr olf baby
Hello mga mi , ask lang ano mga pwedeng pagkain ngayon sa baby na 1yr old ? Since 6mos kase baby ko puro gulay lang eh. Ano po kaya pwede pong pagkain ni baby sa 1yr old. Thankyou!
Formula milk
Hello mga mi, ask lang kung anong magandang formula milk for baby 6-12mos. Kaka 6months lang ni baby today tapos humina bigla supply ki ng Breastmilk. Ano po ba pwedeng i-alter na Formula milk para kay baby. Ano po gamit niyong formula milk. Thankyou!
4months pp
Hello mga mi may ask lang po ako. Normal lang po ba na hindi pa ako nireregla 4months napo ako hindi nireregla . Direct latch po ako dati pero nung bumalik po ako ng work nung 2months ko hindi na dumede saken si baby puro nalang sya sa bottle pero nag papump po ako . Minsan naman po sa madaling araw po napapadede ko sya pero bihira lang sya dumede kase gusto niya talaga sa bottle. Sana po may makasagot.
BREAST MILK PUMP
Hello mga mi, ilang oras po ba ang tamang pagbibilang ng breast milk bago mapanis?? Kapag galing ref po yung fresh milk pump ilang araw bago masira at pag pina consume kay baby ilang hrs po bago mapanis? Kapag galing freezer tapos nilagay sa ref para ma thaw ilang araw bago masira , at ilang hrs bago mapanis pag pina consume na kay baby? Thankyou sa makakasagot po!!
Breastfeeding position.
Hello mga mima. Ask lang po ilang buwan po pwede padedein si baby ng nakahiga po yung hindi muna bubuhatin para padedein. EBF po ako. 3months na po baby ko at gusto ko po sya padedein ng nakahiga po ako . 2 beses ko na po nagawa yun sa gabi. Tuwing gabi lang po yun kase working mom po ako . Natatakot po kase ako minsan or nag ooverthink po ako minsan pag nagpapadede po ako ng nakahiga kay baby. Natatakot ako pag mapunta sa baga yung gatas . Ilang bwan po kaya pwede gawin yun kay baby ? Kung bawal pa sa 3months ihihinto ko po yun. Sana may makasagot po. Lalo na sa mga OB kung meron po dito 🥺🙏 Salamat po!
Ano po ang pitcher method
Hello mga mi, tanong lang po sa pitcher method po ba dapat po ba iisang araw/date lang yung iipunin mo sa jar bago mo sya ilagay sa milk storage or pwede po pagsama-samahin yung mga na pump mo the other day . Halimbawa po nag pump po ako ngayon ng buong araw tapos konti palang po naiipon ko sa jar tapos kinabukasan nag pump ulit po ako pwede ko ba sya isama don sa mga na pump ko kahapon tapos pag napuno na po yung jar tsaka ko sya ilalagay sa milk storage at ilalagay sa freezer. Pwede po ba yun ?? Kahit magkakaibang araw yung na pump ko pwede ko sila pagsama-samahin sa isang jar ?. Salamat po sa sasagot.
Pa help naman po mga mommie
Hello po mga mommie tanong ko lang po sa mga. Nag papa breastfeed po dyan okay lang po ba na pag na papump po ako small amount lang nakukuha ko tapos yung milk nilalagay ko po sa feeding bottle then ireref ko po sya. Tapos mag papump ulit po ako yung na pump ko na bago isasalin ko lang po don sa nauna kong na pump na nilagay ko na sa ref . Okay lang po ba yun ? Parang iniipon ko po yung mga milk na napa-pump ko pag napuno ko na yung feeding bottle tsaka ko na sya ilalagay sa freezer. Tama po ba yung ginagawa ko or hindi po. Thankyou po sa sasagot
Hello po ilang oras o araw po itatagal ng milk pag nasa freezer
Hello po ilang oras o araw po ang itatagal ng milk pag nasa freezer po tapos ipapainom na kay baby? Ilang araw din po pwede yung milk pag nasa ref lang ? Salamat
Ilang araw ang itatagal ng milk pag sa ref lang?
Hello po, ilang araw po ba itatagal ng fresh milk pump pag nasa ref lang sya nilagay . Ilang araw po ba sya dapat ipainom kay baby?
Red Discharge
Hello po, first time mom here. 38weeks and 5 days na po ako ngayon (dec 28, 2022) .. kahapon dec 27 check up ko at na IE ako pero close cervix pa po ako. Kaya pinapabalik ako ng next yr January. Pero kaninang umaga nagkaroon ako ng discharge pero hindi po humihilab tiyan ko . Masakit lang puson ko parang may dsymenorrhea ako. Ganon yung nararamdaman ko tapos mawawala then babalik ulit. Ano po ba ibig sabihin nito kase nagka red discharge na ako. Wala pa naman ako nararamdaman na kahit ano basta eto lang yung discharge ko pero di pa pumuputok panubigan ko. Huhu! Sana may makasagot. Thankyou po 🥺