Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Soon to be mom of my little princess
my little one
Meet my baby girl Kirsten Angeleigh V. Matola EDD: November 18, 2019 DOB: November 9, 2019 2.8 kls and 48cm Via Emergency CS Share my experience November 8, 4pm pumunta ako ng hospital para sa follow up check up ko sa OB ko. First IE nya din sakin nun then pag-IE 4-5cm na kaya di na ko pinauwi ng OB ko para iadmit. 6pm nakadextrose na ko at tinurukan ng pampahilab. 8pm, IE ulit sakin but still 5cm parin. Kinausap na ng OB ko nanay ko na kung sakali di talaga nag-improve 11pm dadalhin na ko sa operating room para i-CS ako. Kasi kung pipilitin inormal mahihirapan ako kasi may asthma din ako. Bali tatlong beses ako tinurukan ng pampahilab pero naninigas lang talaga tiyan ko na parang puputok. 11pm dinala na ko sa operating room then IE ulit sakin pero stuck talaga ako sa 5cm. Kaya no choice na kesa naman mamatay ako kaka-ire, i-cCS na talaga ako. November 9, 12:15am baby out. Gusto kong umiyak nung narinig ko yung iyak ng anak ko kaso high talaga ako sa anesthesia na tinurok sakin. Worth all the pain kapag nakita mo na talaga yung anak mo.
Admitting today
Mga mamshie. Isama nyo po kami ni baby sa prayers nyo. Iaadmit na ko today. Check up ko lang sana kaso pag-IE sakin 5cm na ko agad. Need your prayers. Thank you po?❣️
labor
Mga mamsh, 37 weeks and 5 days na po ako today and nafefeel ko na laging nasakit balakang ko at para akong may dysmenorrhea. May lumalabas na rin po sakin na parang sipon pero white pa po sya. Sign na po ba yun ng labor? First time mom po. Thank you po.
ultrasound
Sino po dito nakapagpa-ultrasound sa OB sonologist mismo? Magkano po nagastos nyo? Sabi kasi ng OB ko sa OB sonologist ako magpa-ultrasound kasi breech po yung baby ko. 34weeks na po baby ko. Thank you po.
redeem
Ask ko lang po kung magreredeem ng items dito sa TAP, may babayaran pa po ba sa item? And kung may shipping fee pa po? Thank you po☺️
Craving
Guys ask lang if pwede kumain ng niyog? Gusto ko kasi bumili ng kutchinta eh. 32weeks na po akong preggy☺️ Thank you po
biogesic
Ask lang po kung pwede po uminom ng biogesic? Masakit po kasi buong katawan ko then may sinat din po ako. 29weeks preggy po ako. Thanks po
SSS and philhealth
Ask ko lang po. Last january 2019 po last hulog ko sa sss at philhealth. 5 months ko lang po yun nahulugan. Ask lang po kung magkano po mababayaran kung 7 months po na di nakapaghulog? Maraming salamat po sa sasagot. ☺️