Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mom to be
Ultrasound
Ano po yang letter M na nasa first ultrasound ko? 4 months palang sya dyan
morning sickness
Kailan po ba usually natatapos ang duwal duwal at hilo thingy natin? Ako po kasi ftm ako and kaka 5 months palang ni baby pero yung morning sickness ko malala padin. Nagkaroon ng araw na halos dalawang araw masakit ulo ko at hindi tinablan ng biogesic. Tinalo ko pa yata migraine nun and sobrang nagugutom ako. Pag na over fed(kahit sapat lang din o konti) susuka ko mga kinain ko, then the next day okay na ako. Na parang walang nangyare ganun? Waiting padin ako mag 6 months sya for ultrasound
ask lang
Naiinis ako sa husband ko kasi sermon sya ng sermon kahit wala naman ako ginagawang mali. Nagiging personal na din sya sa mga pinagsasabi nya sakin on the point na nagpipigil nako ng luha kaya nainis ako onti at natadyakan ko bahagya yung maliit at magaan na plastic container (underwear lang laman nun) yet di ko na mapigilan galit ko. I was worrying a bit for my 5 months baby sa tyan ko. Kasi madalas ko nararamdaman movement nya pag gabi or maingay. After ko matadyakan yung container i feel nothing pero nung kalmado nako naramdaman ko si baby. Ask ko lang po hindi po ba kaya yun maka sama sa kanya?
Inspiring story for women who's victim of cheating
Hi sissies! I wanna share some story of my cousin. It's for all of you lalo na sa mga niloko at ginago. Yung pinsan ko super sweet nila ng ex nya yet umabot sila ng 1 year. Away bati rin naman sila dahil sa kadahilanang sinasakal sya ng bf nya. Ayaw sya pag ayusin, ayaw pagandahin, ayaw papuntahin kung saan, kung lalabas man sya kailangan pa ng pinsan ko mag send ng picture sa bf nya para lang daw monitored sya. Yes sa away nila nagsasakitan Sila and mas napapagbuhatan ng kamay ang pinsan kong babae. Yung bf nya naman pag nag aaway sila binabaliktad sitwasyon telling that PINSAN KO PA DAW ANG NANANAKIT AT NANANAKAL. Imagine? 21 na yung lalake pero anlakas maka isip bata. Pag may pagkakamali pinsan ko gumaganti pa sya. Yung lalake gumawa ng second acc dahil para daw sa trabaho kase daw baka awayin ng pinsan ko yung mga katrabaho ng lalaki na china chat nya dun eh pinsan ko nga naman sadyang war freak at selosa. Dun pa nagpopost yung lalake ng paninira sa pinsan ko yung pambabaliktad nga. Na Parang yung lalake pa ang nanlilimos ng awa at ayaw masira ang pangalan. ARTISTA KA!? ARTISTA KA!? One day nabuntis pinsan ko. Edi si gagu natuwa at nagbago. Nagbago sya nung nalaman nyang buntis pinsan ko biglang tumino. Past few months ako unang nakaalam na may ibang babae bf ng pinsan ko. Maalam kase ako sa hackings and retrieve ng mga chats na nabura na narerestore ko pa. Di ko pa man din nasasabe sa pinsan ko na niloloko sya pinsan ko na ang nauna magsabi na gusto nya na bitawan yung lalaking yon kase mas inaalala at mas mahal nya sarili nya at yung baby nya. Lumipas ang mga bwan, yung pinsan ko after manganak nagtrabaho sya sa front row and minsan service crew sya. Dahil sa tyaga at sipag ng pinsan ko nagkapera sya ng madami. Maybe not to you but para sakin masasabi kong saksakan ng yaman pinsan ko. Nabibili nya ang gusto nya at lahat ng best and expensive things and needs para sa anak nya and she has no regrets of her past. Masaya sya ngayon na parang akala mo walang pinagdaanan noon. Moving on helped her to move up her life. Di ko sinasabi na mag fr kayo or magpaka ganda o yaman. I just want to tell you that hindi lalake ang magiging katapusan ng buhay mo. If it's for you then that's for you. If not, thank you, next. There's more such things you can do for yourself and for your baby. May mga bagay padin na mas masarap sa pakiramdam makamtan lalo na't solo mo ang tagumpay at kapayapaan ng buhay? Hindi hahayaan ng dyos malugmok ka sa problemang alam nyang kaya mo, he will help you. So don't stop hoping and fighting. We had our amazing life to spend for more valuable things and valuable people. Di tayo tangang mags-stock sa buhay na alam nating di naman para satin. That's all
Faint line
Bakit ganun? March 13, 12 days delayed na ako nun and nag pt ako faint line lumabas. Then last friday again March 20 faint line ukit lumabas?
Last week (last Friday) first ako nag pt faint line yung isa then now nag pt ulit ako faint na naman. Bakit ganun mga mamsh? Almost 20 days narin akong delayed at nakakaranas pako ng morning sickness
Tulog ko
Mula nung nalaman kong buntis ako nag iba na sleep pattern ko. Kapag natutulog ako sa gabi nagigising ako ng 2 am? tapos almost one week tumagal yung feeling sickness ko and duwal duwal symptoms na di ko na nararamdaman ngayon but i know in the other day baka bumalik ulit. Bakit po ganun? Normal lang po ba yun?
Young and first time mommy here
Mommies magkano po usually magpaanak sa public hospital? Magagamit po ba phil health ng hubby ko?
Any team November here??
Kaway kaway naman Team Nov??
Folic Acid
Mommies. Ang hirap lumabas dahil sa NCoV. Hirap din ako magpunta sa OB dahil NO WORK NO PAY ngayon due to suspension waley sahod. I wanna drink folic acid na since 6 weeks na akong preggy. Magkano po ba ang folic acid sa mercury or sa generics pharmacy? Tsaka ilang beses or what time tine-take?