Priscilla Pareja profile icon
VàngVàng

Priscilla Pareja, Philippines

VIP Member

Giới thiệu Priscilla Pareja

Soon to be mom :)

Bài đăng(9)
Trả lời(65)
Bài viết(0)

Welcome to the outside world, baby Malakhai Paxton 💙

Share ko lang mga mommies yung birthing journey ko kasi napaaga si baby lumabas(35 weeks and 6 days) and sana maka-help na din sa iba. EDD: March 29 Born on February 28 Weight: 2.350kg Via emergency CS Binakayan Hospital Cavite Last holiday(People Power Revolution) after my afternoon nap, nagulat ako kasi biglang may parang ihi na lumbas sakin without me being aware. Konti lang naman but I immediately texted yung lying in about it. Sabi nila punta nalang daw sa clinic. But since feeling ko konti lang naman or baka ihi lang na hindi ko napigilan inobserve ko muna. No pain din kasi and si baby di ko naman nafifeel na gusto na lumabas. The next day, pumunta na kami sa clinic. May midwife dun chineck nila. Okay heartbeat ni baby and close naman daw cervix ko. So pinauwi muna ako, baka nga daw ihi lang yun na hindi napigilan. The next day Sat, saktong may check up ako, ininform ko OB ko na medyo lumakas na yung leak. Nagwoworry na rin ako. When she checked. Panubigan ko nga yung naglileak at hindi ihi lang. Galit na galit siya sa midwife kasi hindi man lang siya nainform kagad. Immediately she wanted to check the amniotic fluid so nagpaBPS ultrasound ako. Luckily, enough pa naman yung fluid but need ko na maadmit at manganak. Since may tubig pa naman, triny naming inormal. 6pm same day, close pa rin cervix ko and sabi ni OB matigas daw. By 9PM ininduced na niya ako, then IE ng 12AM, close pa rin and matigas cervix ko. By 2AM nagstart na yung super sakit na labor pero pag IE ulit, close pa rin. Nung 8AM last na IE ni dra sakin lumambot na daw pero close cervix pa rin 😔. Pinagdecide na kami, highly recommended na to go CS so we agreed na din dahil nauubos na panubigan ko. Di na safe for both of us. We proceed CS na. Thank God, okay si baby at hindi kinailangang mag-incubator. He is okay now and tinatapos na lang yung antibiotic niya ☺️ Ang tawag sa nangyare sakin is preterm PROM(Premature Rapture of Membranes) possible cause daw ay may infections sa uterus, cervix, or vagina na unluckily hindi nakita sa mga labtests ko or too much stretching of the amniotic sac (possible na masyadong madami amniotic fluid or kumilos ng bongga si baby). We are still thankful kasi hindi kami pinabayaan ni God and strong si baby kahit prem siya. I'd like to say thank you din sa app dahil super dami kong natutunan. 😁 Thank God nakaraos na rin kami 💙💙💙#firstbaby #1stimemom #pregnancy #pretermBaby #pretermPROM #leak

Đọc thêm
Welcome to the outside world, baby Malakhai Paxton 💙
 profile icon
Viết phản hồi