Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Household goddess of 2 handsome son
Amoy ng poop at utot
Hai mga mii. Ask ko lang sana if normal lang ba na super baho ng utot at poop ni baby. 6months na kasi siya. Nagcecerelac na po. Once or twice a day nalang din siya magpoop unlike dati na 5-8 times a day. Tapos ngayon sobrang baho po talaga ng utot niya. As in mabaho talaga. Normal lang po ba yun? Di naman siya iritable or naiiyak. Pero yung sa side kasi ng papa niya ganun talaga amoy ng utot nila. Posible kaya na namana niya?
Nasal spray (nasoclear)
Okay lang po ba magspray si baby palagi? 3 months palang po siya. Mag 4 na sa 17. Lagi po kasi barado ilong ni baby kahit kakaspray ko lang. Pag nagspray po ako sa ilong niya then sipsip gamit tiny buds na pangvacuum. After 30 mins or 1 hour nagbabara na naman po ilong niya. Or minsan kahit kakaspray ko lang. Okay lang po ba na palagi magspray? Sabi naman po ng pedia as needed naman daw po kasi water and salt lang naman daw yun. Gusto ko parin kasi makasiguro.
Ilang buwan pwedeng kargahin or buhatin si baby sa kili kili?
Ilang buwan pwedeng kargahin or buhatin si baby sa kili kili mga mommy? 2 and a half na baby ko. Kaya naman na niya ulo niya. Binabangon na nga po niya e pag nakasandal sakin. Pwede na ba siya buhatin sa kili kili?
Matulog ng nakadapa sa dibdib
Hai mga mommy. Ask ko lang kung okay lang ba matulog si baby na nakadapa sa dibdib ko. Sa dibdib ko naman po pero sa bed or crib ayoko siya patulugin ng nakadapa. Hindi ksi siya makatulog sa bed e. Nagigising po lagi, ewan ko bakit.
Nasasamid lagi si baby
Hello po. Ask ko lang po ano maganda gawin kasi yung baby ko po lagi nasasamid siguro dahil malakas po flow ng gatas (breastfeed) ko. Minsan din po kasi umiire habang dumedede or umiiyak habang dumedede kaya nasasamid.
Paglungad sa ilong
Hai po mga mommy. Ask ko lang po if okay lang ba na pag naglungad siya may lalabas konti sa ilong ni baby? Hindi naman po madalas. Minsan lang po kapag yata overfeed siya at di napaburp ng maayos . Lumalaban po kasi siya pag pinapaburp ko. Tinutulak tulak ako.
Pagkain ng hipon
Hai po. Pwede na po ba ako kumain ng hipon at talagangka. 1month and 7days na po kami ni baby. Normal delivery and pure breastfeed po. May maliit pa po kasi akong sugat sa pwerta. Bumuka po kasi yung sugat ko noon gawa ng mainit na tubig ang pinanghugas ko nung mga ilang araw e natutunaw po na sinulid yung pinangtahi. Bawal pala mainit na tubig panghugas?