Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Forever mother to an Angel.
Paghilab
38 weeks and 5 days na po ako, ano po ba ang mismong pakiramdam ng paghilab o pag magllabor na? Sa ngayon po nararamdaman ko ung parang rereglahin na masakit ang puson. Nacheck up po ako kanina 1cm pa lang kaya pinauwi ako. Ayoko naman pong magpabalik-balik sa ospital na di pa talaga manganganak gawa ng sitwasyon natin ngayon, mahirap na. Sana po may makasagot. Salamat.
EDD at DOB
Good eve, sino po dito ung nanganak na? Tanong ko lang po kung gaano kaaccurate ung EDD niyo sa DOB ng babies niyo. Sa May pa po kasi due ko pero baka manganak raw po nang mas maaga.
Anmum
Good morning po, paano po kung manganak na then may natira pang anmum, okay lang pong inumin pa rin hanggang maubos? Sayang po kasi.
Stretch marks
Good eve, ano po kayang magandang pamahid para hindi magkaroon ng stretch marks, ung mura at effective po sana. Salamat
Galaw ni Baby
Hello po, pregnant po ako sa first baby namin. Ano po bang eksaktong pakiramdam pag gumagalaw si baby? Salamat po sa sasagot.
Congenital Anomaly Scan
Good morning, may alam po ba kayong CAS na less than 2k QC or Manila area po?
Masakit na tiyan
Hello po, 9 weeks preggy po ako. Bigla na lang pong sumakit tong kaliwang bahagi ng tiyan ko. Normal lang po ba? Ano po kayang dahilan?
Lagnat sa bakuna
Good morning po, binakunahan po kasi ako kahapon para sa anti-tetanus. Kagabi po sumakit na itong balikat ko at parang nilalagnat na ako ngayon. Normal lang po ba ito?
Murang Ultrasound
Good afternoon po, saan po kaya merong murang ultrasound at services na rin na malapit sa munoz edsa, qc.? Yung open po kahit weekends or kahit gabi ng weekdays. TIA