Diarrhea/Nagtatae ang Newborn baby ko
FTM po ako, naka mix feed kami ni baby kasi mahina gatas ko now. 17 days old pa po sya.. nag start sya magtae 12 hrs after namin nagpalit ng milk from s26 to enfamil nura pro. mga 7 beses na sya nag poop ng watery green pero di naman po sya naiyak and magana di po sya uminom ng milk (binalik namin sya sa s26 after nung 1st na diarrhea poop nya until now). waiting kami na bumalik sa normal ang poop nya. kung di parin , dadalhin na namin sya sa pedia today. any advice po? :( ano pong pwedeng gamot sa newborn na nagtatae? #advicepls #1stimemom #firstbaby
Đọc thêm1st Photo: Share ko lang ang baby box ko ready for baby's big day. ❤️ Naka scheduled CS po kami sa Feb 3 dhl breech si baby, and 36 weeks na kami today. May chance pa kaya umikot si baby ng ganitong stage? Ilang damit dala nyo sa baby box nyo mga momsh? pa share naman ng mga experiences nyo during panganganak sa hospital. 2nd Photo: Naka arrange na din mga damit ni baby sa drawer nya ❤️ Super excited na kami sa paglabas nya. 😊 #FTM #1stimemom #Csection #babybox #TeamFebruary #TeamFebruary2022
Đọc thêmMga momsh, pano po malalaman kung magkano ang pwede iavail na discount gamit ang Philhealth sa panganganak? Employed po ako since 2018 and wala pa pong palya sa monthly hulog. Totoo po bang mas malaki discount kapag CS compared sa normal delivery? May nababasa din ako na wala na silang binayaran dhl may Philhealth sila. Pa share nman ng mga experience nyo mga momsh! #firstbaby #pregnancy #PhilHealth #philhealthbenefits #PhilHealth
Đọc thêmSSS and PhilHealth Change Status
Hello po mommies.. Kinasal po ako last February 2021 and nakapag submit ng Maternity Notification sa SSS nung June (6weeks preggy na ako nun and Maiden name ko pa gamit ko). Since June pa po ako nag ttry makapagpabook ng appointment sa SSS branch sa amin pero lagi po talaga ako nauubusan ng slot. :( at di sila tumatanggap ng walk-in. Nag ta try din po ako sa My.SSS online pero lagi pong nag errror pagka click ko ng submit ng Marriage Certificate. (attached picture here) Ang question ko po, Ok lang ba hindi muna mag change status and married last name sa SSS and Philhealth pagkamanganganak na ako this Feb 2022? Or need po talaga maupdate na ang status from single to married, and last name ng husband ang gamit ko by the time na manganganak na? #advicepls #firstbaby #pregnancy #SSS #PhilHealth
Đọc thêmmalakas na heartbeat, normal pulse rate
hello po mga mommies, 12 weeks pregnant po ako and napansin ko lang nitong mga nakaraan araw spbrang lakas ng heartbeat ko. hindi po sya mabilis, malakas. so hindi sya matatawag na palpitation kasi ang palpitation ay kapag mabilis ang pulse rate. Yung sakin po ay tipong nakahiga lang ako pero ramdam ko ang pintig sa buong katawan ko. Bukod po dun ay wla naman akong ibang nararamdaman. Anyone else po na nakaexperience ng ganito? thanks po!#advicepls #pregnancy
Đọc thêmHello po, I am 11 weeks pregnant. I started drinking Anmum when I was 6 weeks pregnant but i stopped because of my lactose intolerance. Nilalabas ko po tlga kaagad (poop) at sobrang sama ng diarrhea ko kapag umiinom ng gatas. Same case din po sa Enfamama. Sabi ng OB ko useless din daw pag inom ko kasi hindi na aabsorb ng katawan ko ang nutrients ng milk. Kaya niresetahan nlang ako ng calcium supplements. Any mom experienced the same? pano nyo po na counter ang problem? Thanks! #advicepls #pregnancy #lactoseintolerance
Đọc thêm