Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mom of 3 ❤️
Vaccine for 1 month old
Normal po ba na may fever padin si baby kahit kahapon pa binakunahan? 1st dose po nya kahapon ng Pentavalent and PCV sa center, nung gabi nilagnat sya until now. Di naman sya nagiiyak, nadede din. Sana po masagot worried po ako kasi yung dalawa kong anak di po nilagnat nung tinurukan sila nung baby pa. Thank you.
Baby's out!
Thank you Lord at nakaraos din 🙏🏾😇 April 19 supposedly ang EDD pero dahil 1 week ahead sya sa size nya need na ilabas dahil baka mahirapan lalo pag mas tumagal. 3.5 kg and it's Good Friday! 3rd baby ko pero dito ko pinakanahirapan at pinakamasakit. Fully dilated na pero ayaw pa bumaba, induced labor ng halos 2 days. Sobrang sakit 🥹 Pero worth it naman nung nakita ko normal and healthy 💗 Kaya nyo din yan mga mommies! Tiis lang worth it naman sa dulo pag nakita nyo na si baby 👶
Insect Bites
Mga mommy, anong pwedeng ilagay na effective sa water blisters ni lo? Kasi nung una insect bite lang sya then nagkaron ng tubig sa loob. Tapos napapansin ko nagkakaron ng parang maliliit na tumutubo na ganun din sa braso nya. Hindi naman sya iritable, di rin naman sya nilalagnat. Thank you in advance!
Naglalagas na buhok ni LO
Hi mga mamshies! Normal bang naglalagas ang buhok ng baby? Lo is 3 months and sobrang napanot na sya. Grabe yung paglalagas ng buhok nya hanggang sa higaan. Nung pinanganak ko naman sya sobrang kapal ng hair nya. I'm using Cetaphil, dapat bang magpalit ako ng brand? Thank you in advancel!
Fact or Myth
Hi mga mommies! Totoo bang bawal iresched ang binyag dahil magiging sakitin daw ang bata? May measles kasi ako ngayon and 1 - 2 weeks akong di pwedeng lumapit sa mga anak ko kaya pinaalaga ko sila sa mother ko. Sa Dec. 15 na yung binyag nya and sa araw na yun di pa ko pwede lumapit. Gusto ko syempre bilang nanay nya present ako sa 1st sacrament na tatanggapin nya ? Kaya gusto ko sanang iresched muna. Sabi naman ng mother ko masama daw yun dahil magiging sakitin, ituloy daw kahit wala ako. 1st experience ko dun sa eldest ko di naman namin minove binyag nya pero sakitin sya nung baby pa. Gaano to katotoo mga mamsh? Anyone here na nakaexperience na imove binyag ni baby nila? Hay sobrang miss ko na mga bagets ?
PPD
I have 2 kids, bunso is 2 months old. Nitong mga nakaraang araw, sobrang puyat, pagod, sama ng pakiramdam at sama ng loob ang nararamdaman ko. Umiiyak ako sa gabi dahil feeling ko nagiisa lang ako. Plus sa stress pa is my breastfeeding journey. Gusto ko sana i-EBF si lo hanggang kaya ko, so I started to build a stash if ever mag return na ako sa work anytime soon. I bought different pumps, manual, electric, pang catch ng let down pero nakakaiyak pag makikita mo yung output mo. I tried lactation drinks and vitamins pero ganun padin. Feeling ko hindi enough lahat ng efforts ko para i-EBF sya. Sobrang nanliliit yung feeling ko kapag nakikita ko yung mga mommy sa isang fb page na sinalihan ko na sobrang daming milk. Lately, umiiyak na sya kapag direct latch sya sakin siguro di na sya satisfied sa nakukuha nya. I feel that my bf journey will end soon. Sobrang nakakadown ng feeling. Kanina naiiyak ako dahil ayaw nya maglatch sakin. Di ko masabi sa husband ko dahil ayaw nya pa muna magformula si lo since 2 months palang, tyagain ko daw. Pero hirap na hirap na ko. ??
Pumping Mom
Hello to Pumping Moms out there! 2-month old na si lo, EBF and I'm planning to build my milk stash na po sana before going back to work. Nagtry po akong magpump pero sobrang konti lang nung output ? Normal po ba ito dahil 2mos palang si lo or konti lang talaga milk ko? Pero pag direct latch naman po alam kong satisfied sya every feeding. Hiyangan din po ba sa kind ng pump na gagamitin? I'm using electric pump po eh iniisip ko pong magtry ng manual pump. Please help! Thank you in advance ❤️
Worried Mom
Hi! 13 days na po si baby and 2 days na sya di nakaka-poop. Is it normal? Exclusive bf sya. Thank youuu!
Nakaraos na!
39.5 weeks Born at 4:03 PM | September 04, 2019 3.6 kg via NSD Thank you Lord!
Baby Beddings
Mga mamsh! Need po bang labhan ang crib comforter before using it? Handwash or machine-wash? Wala kasing nakalagay na instructions. ? Thanks in advance! ❤️