delivered at 27weeks
WARNING!! Lengthy post: kwento ko lang para gumaan loob ko. Sobrang roller coaster nangyari samin. 23weeks 4days pa lang, nag open cervix ko ag naospital for 10days. Complete bed rest without bathroom priveleges. Binigyan ako ng gamot pampa mature ng lungs ni baby in case lumabas sya. Pero dasal kami ng dasal at kinakausap namin sha na wag muna masyado pang maaga. Nakauwi din kami and for 2weeks ok naman. Day after ff-up ko kay baby, bigla ako nilabasan ng tubig,madami, d ko macontrol. Sumugod kami sa ospital, 26wks 6days si baby. Tas na admit ako ulit. For 2 days binigyan ako ng gamot para kay baby, sabi ni OB kahit daw lumabas si baby basta makumpleto gamot nya. Nakinig ata si baby.. After 2 days lumabas na sya. 5pm nagstart yung conttractions, maiksi pero sunud sunod..patagal ng patagal paintense na paintense. 7pm dumating si OB pag ie sakin 3cm na daw at wala na syang makapang tubig. Good thing ang little warrior namin stable at ok walang problema. Saktong 10:44pm lumabas na si baby. Pero now nasa NICU pa sya. Day after ko manganak nadischarge ako, at kinabukasan sinugod ulit sa hosp dahil sa post partum pre-eclampsia. Grabe ang trauma ko sa mga pangyayari. Pakiramdam ko down na down ako. Yung anxiety ko sumusumpong at kakaba kaba ako lagi. Mga mommy na baka sakaling nakaranas ng ganitong sitwasyon o pakiramdam, any word of encouragement po. Lilipas din naman po to noh ?
soon to be mom