Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mama of 1 playful son
mga butlig sa mukha ni baby
hinmga mommy, worried na ko sa mga butlig sa mukha ng baby kong 3 weeks old plng siya. nung nagfollow up kami sa pedia sabi normal lang daw un basta everyday papaliguan pero feeling ko ksi kumakalat siya, meron na din sa talukap ng mata niya. may ganyang case din ba kayo?
Tranverse Lie Position
good evening mga mommy. tranverse Lie ang position ni baby. sabi ng nagultrasound hindi siya sure kung iikot pa kasi 36 weeks na ko. Madami nagsasabi samin na ipahilot ko daw para umayos ng pwesto kahit sinasabi sa ospital na bawal yun. Takot ako magpahilot kahit madami akong kakilala na nagpahilot din para umayos si baby. Ayaw ko din naman ma-cs kaya naguguluhan ako. ano po opinyon niyo dito? salamat
pekas sa ilong
normal lang po ba mga mommy magkaroon ng pekas sa ilong habang buntis? turning 8 mos preggy na ko at ngaun lang siya lumabas wala naman kasi to dati
burning feel sa lalamunan
sino po dito nakakaranas ng parang burning sensation sa lalamunan? ung nakakairita na parang mawawalan ka ng hininga? like every less than a minute nafefeel ko siya tugon din sya sa ulo. parang hirap dn ako sa pagdighay kahit umiinom na ko ng tubig. ang hirap iexplain ng sobrang accurate basta sobrang hirap niya for me. btw, 31 weeks preggy here and mostly every night ko sya nararanasan like now, as of the moment while typing this question.
No check up yet
10 weeks na base sa sariling bilang ko, ok lang kaya dipa nagpapacheck up. Pero ramdam ko na mga symptoms like pagsusuka, sobrang fatigue etc.